top of page
Search

ni BRT | March 28, 2023




Mahigit 1,000 na lumabag sa eksklusibong motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City ang natiketan sa unang araw ng implementasyon nito.


Sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), kabilang sa hinuli ang 482 na nagmomotorsiklo at 757 driver ng mga private vehicle.


Kabuuang 1,238 violators ang pinagmulta ng tig-P500.


Aabot naman sa P1,200 ang magiging multa ng mga public utility vehicle na lalabag sa bagong polisiya


 
 

ni Gina Pleñago | March 15, 2023




Hindi papatawan ng multa hanggang Marso 19 ang mga lalabag sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, ito ang inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Gayunman, sa Marso 20, huhulihin na ang mga lalabag sa exclusive motorcycle lane policy. Kung saan, P500 ang multa sa sinumang violators nito.


Ayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes, umabot na sa 1,494 ang nasita sa dry run ng exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue simula noong Marso 9 hanggang Marso 12.


Nasa 949 ang riders at 545 private motorists ang nasita sa ikaapat na araw ng dry run ng exclusive motorcycle lane mula Elliptical Road hanggang Doña Carmen at vice versa.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 21, 2021



Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang “Motorcycles for Hire Act” na layong isaayos at magkaroon ng sistema sa operasyon ng motorcycle taxis at delivery services bilang ‘common carriers’.


Sa ilalim ng panukala, ang motorsiklong gagamitin bilang motorcycle for hire ay dapat rehistrado sa Land Transportation Office (LTO) na naayon sa standards at specifications na itinakda ng Department of Transportation. 


Kaugnay nito, umaasa si Samar Rep. Edgar Sarmiento na bago ang Pasko ay maisabatas na ito para maging magandang regalo sa libo-libong motorcycle for hire riders.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page