ni Gina Pleñago @News | September 28, 2023
Bukas na ang Motorcycle Riding Academy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nais matutong magmotorsiklo.
Pinangunahan ni MMDA acting chairman Atty. Don Artes ang inagurasyon ng nasabing pasilidad kahapon.
Dinaluhan nina GSIS President Atty. Wick Veloso, Pasig City Mayor Vico Sotto, San Juan City Mayor Francis Zamora, Batangas Vice Governor Mark Leviste, at iba pang stakeholders ang inagurasyon.
Layon ng Motorcycle Riding Academy na bawasan ang mga motorcycle-related accident sa pamamagitan ng pagbibigay ng theoretical at practical courses sa pagmomotorsiklo.
Maaaring mag-enroll ang mga rider na baguhan o nagmamaneho na pero gustong malaman ang pangunahing kaalaman sa pagpapatakbo ng motorsiklo na nakatuon sa safety riding.
Ipinahayag naman sa isang mensahe ni Vice President at concurrent Department of Education Secretary Sara Duterte ang kanyang suporta sa MMDA Motorcycle Riding Academy.