top of page
Search

ni Lolet Abania | May 28, 2022



Ipinahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na wala pang vaccine laban sa monkeypox ang inaprubahan o inawtorisa ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas.


Gayunman, sinabi ni Duque na sa ngayon nagkikipag-usap na ang DOH sa World Health Organization (WHO) kung saang bansa maaaring mag-procure ng monkeypox antivirals sakaling magkaroon ng outbreak nito sa bansa.


“Wala pang approval ng FDA natin, wala pang emergency use authorization. ‘Yan ang mga legal ng batayan para makapagpasok ng antivirals against monkeypox,” ani Duque sa isang radio interview ngayong Sabado.


Nitong Biyernes, sinabi ng DOH base sa WEHO, ang monkeypox vaccine ay hindi pa malawakang available na makukuha.


“The DOH is exploring all possible available sources and expedient legal methods for the procurement of Monkeypox vaccines,” pahayag ng DOH. “At present, the DOH is preparing supply chains and logistics services. There are ongoing internal discussions, based on scientific evidence, for the possible acquisition of antivirals in the event of an outbreak or severe cases,” dagdag ng ahensiya.


Sa nasabi ring interview, ayon kay Duque, inatasan na niya ang Pharmaceutical Division ng DOH na makipag-ugnayan sa Research Institute for Tropical Medicine at FDA upang maghanap ng posibleng available sources ng monkeypox vaccines.


Binanggit naman ni Duque ang posibilidad na gamitin ang Imvamune o Imvanex vaccine, kung saan may licensed na ito sa United States para mapigilan ang monkeypox o smallpox.


Ayon din sa DOH chief ang smallpox vaccines ay maaaring magbigay proteksiyon laban sa monkeypox dahil sa tinatawag na “cross-protection.”


“Maraming paraan para maiwasan ‘yan: strict border control, strict symptoms screening, minimum public health standards,” saad pa ni Duque.


 
 

ni Lolet Abania | July 17, 2021


Isang pambihira at kauna-unahang kaso ng human monkeypox ang na-detect sa Texas, United States, ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) nitong Biyernes.


Nabatid na ang viral illness ay nagmula sa isang residente ng nasabing state na nagtungo kamakailan sa Nigeria at bumalik sa US, na kasalukuyan namang nasa isang ospital na sa Dallas.


“While rare, this case is not a reason for alarm and we do not expect any threat to the general public,” sabi ni Dallas County Judge Clay Jenkins. Ayon sa CDC, bukod sa Nigeria, nai-report na rin ang outbreaks ng human monkeypox sa central at western African countries mula noong 1970, kabilang ang isang malawakang outbreak sa mga mamamayan ng United States noong 2003.


Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang CDC sa airline, state at local health officials para matukoy ang mga pasahero at iba pa na naging close contact ng nasabing pasyente.


Batay sa pag-aaral ng CDC, “Monkeypox, which belongs to the same family of viruses as smallpox, is a rare but potentially serious viral illness that typically begins with flu-like symptoms and swelling of the lymph nodes, gradually progressing to a widespread rash on the face and body.”


Paliwanag pa ng CDC, posible itong kumalat at maipasa sa pamamagitan ng respiratory droplets. Subalit anila, dahil ang mga travelers ay nagsusuot ng mga face mask sanhi ng COVID-19, ang panganib ng pagkalat o mahawa ng monkeypox via respiratory droplets sa iba pang nakasakay din sa mga eroplano at sa mga airports ay mababa lamang.


Ayon pa sa CDC, pinakakaraniwan ang pasyenteng na-infect ng naturang strain ay matatagpuan sa bahagi ng West Africa, kabilang ang Nigeria.


Binanggit din ng CDC na tinatayang nasa anim ang nai-report na kaso ng monkeypox mula sa mga bumalik na biyaherong galing ng Nigeria, bago pa sa kasalukuyang kaso, kabilang dito ang United Kingdom, Israel at Singapore.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page