ni Mary Gutierrez Almirañez | May 26, 2021
Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) na hindi na makababalik sa traditional face-to-face classes ang lahat ng unibersidad at kolehiyo sa ‘Pinas, sapagkat na-adopt na ng institusyon ang sistema ng flexible learning, batay sa pahayag ni CHED Chairman Prospero de Vera.
Aniya, "From now on, flexible learning will be the norm. There is no going back to the traditional, full-packed face-to-face classrooms. The commission has adopted a policy that flexible learning will continue in School Year 2021 and thereafter."
Dagdag pa niya, “What will happen is a flexible system where universities will mix and match flexible learning methods appropriate to their situation.”
Paraan din aniya iyon upang mapaghandaan ang iba pang posibilidad na pandemyang susubok sa sistema ng edukasyon.
Sabi pa niya patungkol sa pagbabalik-eskuwela, “It also would have wasted all the investments in technology, in teacher training, in the retrofitting of our facilities… Old paradigm of face-to-face versus online will now disappear.”
Sa ngayon ay patapos na ang School Year 2020-2021, kung saan patuloy pa ring nag-a-adjust ang mga guro at estudyante sa sistema ng flexible learning, online classes at modular method.