ni Lolet Abania | September 7, 2021
Mananatili sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR), habang ipinagpaliban din ang pilot implementation ng general community quarantine (GCQ) with alert level system ng Inter-Agency Task Force (IATF), ayon sa Malacañang.
Sa isang statement ngayong Lunes nang gabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ilalim pa rin ng MECQ ang Metro Manila hanggang Setyembre 15 o hanggang ipatupad ang pilot GCQ with alert level system.
Ipinagbabawal pa rin ang indoor at al-fresco dine-in services, gayundin ang personal care services kabilang dito ang mga beauty salons, beauty parlors at nail spas.
Papayagan ang mga religious services subalit dapat isagawa sa pamamagitan ng online video recording at mananatili pa rin itong virtual.
Ang mga miyembro ng pamilya lamang ang papayagan para sa necrological services, burol, inurnment at libing basta hindi ito namatay dahil sa COVID-19. Gayunman, ang naturang miyembro ng pamilya ay kinakailangang magpakita ng patunay ng kanilang kaugnayan sa namatay at dapat na sumunod sa minimum public health standards.