top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 19, 2021




Pansamantalang gagawing COVID-19 vaccination site ang mga sinehan at convention hall ng SM Supermalls bilang tulong sa pamahalaan para malabanan ang lumalaganap na pandemya sa bansa, ayon kay SM Group President Steven Tan ngayong araw, Abril 19.


Aniya, "We have 30 vaccination sites already across the country from Tuguegarao all the way down to Butuan City in Mindanao… We offered areas like the cinemas, the activity centers, the convention centers. We repurposed them and made them as vaccination sites."


Kaugnay nito, mahigit 600,000 doses ng bakuna ang iniulat na bibilhin ng kumpanya para sa SM employees. Inaasahan namang darating sa ikatlong quarter ang suplay ng AstraZeneca, Sinovac at Moderna, kung saan halos kalahati sa mga empleyado nila ang pumapayag mabakunahan.


"As soon as it is available for us, we will start rolling it out," sabi pa ni Tan.


Matatandaang pinayagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pribadong kumpanya upang direktang bumili sa manufacturers ng COVID-19 vaccines matapos makalabas ang draft ng Administrative Order mula sa National Task Force (NTF) na pinagbabawalan silang bumili.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 15, 2021



Tatlong nabakunahan ng AstraZeneca kontra COVID-19 ang namatay umano sa Matalam, Cotabato ilang araw matapos silang maturukan ng unang dose nito. Gayunman, wala pang kumpirmasyon kung may koneksiyon ang bakuna sa pagkamatay nila, ayon kay Provincial Board Member Philbert Malaluan.


Paliwanag pa ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) head na si Dr. Eva Rabaya, isa sa mga nasawi ay may hypertension at ang dalawa nama’y nagkaroon ng COVID-19. Posible rin aniya na walang kaugnayan ang bakuna sa pagkamatay ng mga ito.


“Only the DOH could conduct the causal analysis of their deaths, so, let’s just wait for the results,” giit pa ni Dr. Rabaya.


Kinilala ang mga namatay na sina Emily Salimbag, isang 51-anyos na healthcare worker at si Councilor Berlin Laroza, 58-anyos, kabilang ang isang kamag-anak nito.


Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng Department of Health (DOH) Soccsksargen region ang pagkamatay ng tatlo.


Matatandaang 29 ang iniulat na nasawi sa Norway nang dahil sa blood clot matapos mabakunahan ng AstraZeneca.


Batay din sa inilabas na tala ng Centers for Disease Control and Prevention (CDC) sa Vaccine Adverse Event Reporting System (VAERS), tinatayang 472 ang namatay sa Moderna at ang 489 nama’y dahil sa Pfizer ilang araw matapos silang mabakunahan kontra COVID-19.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 13, 2021




Inaasahang darating na sa bansa ang 194,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine sa Mayo.


Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr., “It is expected to arrive 194,000, most likely this coming May.”


Ang naturang bilang ay parte ng 13 million Moderna COVID-19 vaccine doses na in-order ng pamahalaan sa American pharmaceutical company.


Samantala, ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, inaasahang magsusumite ng aplikasyon para sa emergency use authorization ang Moderna ngayong linggo.


Ayon sa Moderna, 94.5% effective ang kanilang bakuna kontra COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page