top of page
Search

ni Lolet Abania | August 25, 2021



Ipinahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Moderna at AstraZeneca ay hindi na tumatanggap ng vaccine orders para sa first wave procurement ng kumpanya.


Sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes nang gabi, sinabi ni Galvez na ang Moderna at AstraZeneca ay kumukuha na lamang ng mga orders para sa second wave procurement nila. "Ibig sabihin, ibang produkto na 'yun.


Either it's a booster or a new product na second generation vaccine, hindi 'yung first generation vaccine," paliwanag ni Galvez. Ayon sa kalihim, hinihintay pa ng gobyerno ang presentasyon ng dalawang vaccine brands tungkol dito bago tuluyang umorder ng bakuna sa kanila.


Matatandaang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na ang tripartite agreements para sa pag-secure ng mga COVID-19 vaccines ay natigil dahil sa ang mga international drug manufacturers ay nabigla nang husto sa dami ng kumukuha ng bagong orders ng bakuna.


Ayon kay NTF spokesman Restituto Padilla ang mga vaccine makers ay hindi pa rin handang tumanggap ng bagong agreements kahit pa ang Vaccination Program Act of 2021ay pinapayagan ang mga local government units na bumili ng kanilang bakuna sa pamamagitan ng multi-party agreements.


Sa ngayon, ang pamahalaan ay nagsisikap na matugunan ang problema sa kakulangan sa supply ng COVID-19 vaccine upang makapagbakuna na ng 70 porsiyento ng populasyon ng bansa.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 23, 2021



Bibigyan ng 7.01 million doses ng bakuna kontra COVID-19 ng Moderna ang South Korea simula sa unang linggo ng Setyembre, ayon sa health ministry ng naturang bansa.


Inaasahang darating na sa Lunes ang 1.01 million doses ng Moderna sa Incheon Airport, South Korea, ayon sa ministry nito at ang natitirang 6 million ay paunti-unting isusuplay sa bansa.


Saad pa ni Second Vice Health Minister Kang Do-tae, "In response to our request to speed up and expand the vaccine supply, Moderna informed us that it will supply 7.01 million doses by the first week of September."


Samantala, noong Sabado, umabot na sa 50.4% ng populasyon ng South Korea ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna at 22.5% naman ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.


Nakapagtala rin ang South Korea ng 1,628 bagong kaso ng COVID-19 noong Sabado at sa kabuuang bilang ay umabot na ito sa 236,366. Pumalo na rin sa 2,215 ang death toll sa bansa.

 
 

ni Lolet Abania | August 3, 2021



Tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes ang dumating na 3,000,060 milyon doses ng Moderna COVID-19 vaccines sa Villamor Air Base sa Pasay City na donasyon ng United States.


“It is with joy and high hopes that we welcome the vaccines given to us by the United States. This highlights the strong and deep friendship between our two countries,” ani Pangulong Duterte.


“I know the sentiment of America that these vaccines should be given to those who have less in life,” dagdag ng Pangulo. Dumalo rin sa event si US Embassy in Manila Charge de Affaires John Law, na nagbitaw naman ng wikang Filipino para ipahayag ang sinseridad ng pagtulong ng kanilang gobyerno. “Nandito kami para sa inyo,” sabi ni Law.


Ang United States ay nakapag-donate na ng tinatayang 13 milyon doses ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page