top of page
Search

ni Lolet Abania | August 15, 2021



Dumating na ang 469,200 doses ng Moderna COVID-19 vaccine sa bansa ngayong Linggo nang hapon. Nasa 319,200 doses ng bakuna ang binili ng national government, habang 150,000 doses ng Moderna vaccine naman ang binili ng private sector.


Sakay ng Singapore Airlines SQ912, lumapag ang shipment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nang alas-3:20 ng hapon ngayong Linggo.


Sa ulat, may kabuuang 12,027,383 indibidwal na ang fully vaccinated kontra-COVID-19, habang 14,100,119 naman ang nakatakdang bakunahan ng kanilang second dose.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 28, 2021



Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccine noong Linggo nang gabi.


Dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang initial delivery ng Moderna vaccines mula sa United States bandang alas-11 ng gabi.


Sina Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., Health Undersecretary Carol Tanio, US Embassy Economic Counselor David Gamble, Jr., International Container Terminal Services, Inc. (ICTSI) Executive Vice-President Christian Martin Gonzalez at ilang opisyal ng Zuellig Pharma ang sumalubong sa pagdating ng Moderna vaccines.


Ayon sa National Task Force (NTF), sa 249,600 doses, 150,000 doses ang binili ng pamahalaan at ang 99,600 doses naman ay binili ng ICTSI.


Samantala, inaasahan namang makatatanggap pa ang bansa ng 20 million doses ng Moderna COVID-19 vaccine ngayong taon, ayon sa NTF.


 
 

ni Lolet Abania | June 25, 2021



Darating ang 1,500 doses ng Moderna vaccine kontra-COVID-19 na gawa ng Amerika na binili ng Philippine Red Cross (PRC) sa Sabado, June 26.


Sa forum ngayong Biyernes na inorganisa ng Ateneo de Manila University alumni association, sinabi ni Gordon na inaasahan nilang darating sa bansa ang Moderna doses bukas. “This weekend. Tomorrow. Certainly, I’m sure it’s gonna arrive, I have no reason to believe it’s not gonna arrive,” ani Gordon. Ipinunto niya na ang ginawa ng PRC na pagkuha ng COVID-19 vaccine ay dahil sa mabagal na delivery ng mga doses na inorder ng pamahalaan. “We ordered putting out our own money because hindi dumadating ‘yung mga vaccines. Nakitulong na kami," sabi ni Gordon.


Paliwanag pa ni Gordon, kung siya ang in-charge sa vaccine procurement, papayagan niya ang mga private sectors na bumili ng sarili nilang doses at isailalim ito sa superbisyon ng mga medical experts. “Our objective is to vaccinate as fast as we can and if people can afford to pay, we can recover our cost, we’d do that. We don’t charge extra, we just make sure we’re able to vaccinate a lot more people,” diin niya.


Matatandaang noong May, nabanggit ni Gordon na ang PRC ay mag-a-administer ng Moderna COVID-19 vaccine sa kanilang mga miyembro at donors.


Maaari aniyang pagbayarin ng PRC ang kanilang miyembro na handang pasanin ang gastos ng bakuna na halagang US$26.83 per dose at dagdag na administration fee, kabilang dito ang syringes, gloves, PPEs, pagkain at allowances ng mga doktor at nars, at iba pang essential expenses na may kaugnayan sa pagbabakuna.


Subalit nilinaw ng PRC na isa itong humanitarian organization at aniya, “Is not in the business of selling any vaccines. It does not charge for anything that it got free.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page