top of page
Search

ni Lolet Abania | May 31, 2022



Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas ang emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ng Moderna para sa mga batang edad 6 hanggang 11, ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Sa kanilang regular briefing, sinabi ni Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho na nai-grant na ng Philippine FDA ang amendment ng EUA ng Moderna noong Mayo 20, 2022, sa paggamit nito bilang primary vaccine series kontra COVID-19 para sa nasabing age group.


Gayunman, naghihintay pa ang DOH sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) para sa paggamit ng Moderna sa mga edad 6 hanggang 11.


Ito ang magiging batayan o guide ng Health Technology Assessment Council (HTAC) para sa kanilang independent evaluation. Batay sa na-published at peer-reviewed clinical data, ayon sa ZP Therapeutics ng Zuellig Pharma Corporation sa isang statement, ang dalawang 50-μg doses ng Spikevax vaccine ng Moderna ay mayroon anilang, “an acceptable safety profile and elicits a strong immune response for children aged 6 to 11.”


Ipinunto pa nila, na ang efficacy ng Spikevax para sa mga naturang age group ay katulad ng nakukuha ng mga adults. “This is a welcome development in expanding COVID-19 vaccine access within our pediatric population,” sabi ni Zuellig Pharma Corporation medical doctor Dr. Philip Nakpil.


“The Spikevax COVID-19 Vaccine Moderna boosts opportunities in ensuring more children are protected against the virus,” aniya pa.


Matatandaan noong Disyembre 2021, inaprubahan ng FDA ng bansa ang EUA ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa edad 5 hanggang 11.


Base sa national COVID-19 vaccination dashboard ng DOH, tinatayang nasa 151 milyon doses na ang na-administered sa bansa hanggang Mayo 29, 2022.


 
 

ni Lolet Abania | December 17, 2021



Dumating na sa bansa ang 1,020,500 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na donasyon ng German government ngayong Biyernes.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, lumapag ang latest batch ng vaccine doses ng COVID-19 sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, bago mag-alas-4:00 ng hapon ngayong araw.


Pinasalamatan naman ni NTF chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang gobyerno ng Germany para sa donasyon nito sa pamamagitan ng COVAX facility.


Sinabi rin ng task force na may karagdagang 940,800 doses pang Moderna vaccine na donasyon ng Germany ang darating ngayong Biyernes ng gabi.


Pahayag naman ng National Vaccination Operations Center (NVOC), nakapag-administer na ang bansa ng kabuuang 100,019,137 ng COVID-19 vaccine doses nationwide hanggang nitong Disyembre 16.


 
 

ni Lolet Abania | November 27, 2021



Ipinahayag ng US pharmaceutical company na Moderna nitong Biyernes na magdedebelop sila ng isang booster shot laban sa bagong Omicron variant ng COVID-19.


Batay sa Moderna, isa ito sa tatlong istratehiyang isinasagawa ng kumpanya para pagtuunan ng pansin ang panibagong bantang ito, kabilang dito ang pagdedebelop ng isang mas mataas na doses ng kanilang umiiral nang bakuna.


“The mutations in the Omicron variant are concerning and for several days, we have been moving as fast as possible to execute our strategy to address this variant,” sabi ni Moderna CEO Stephane Bancel.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page