top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 12, 2023




Nagbabala muli ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista laban sa pang-aabuso sa EDSA Bus Lane, kasabay ng pagpapatupad ng mas mataas na multa para sa mga lalabag simula sa Lunes, Nobyembre 13.


Ayon kay MMDA Chairman Don Artes, siya mismo ang mangunguna sa unang araw ng pagpapatupad ng Regulation No. 23-002 ng ahensya, alas-6 ng umaga upang tiyakin na mapaparusahan ang mga lalabag sa patakaran.


Ipinahayag din niya na ang hindi naaantalang daloy ng trapiko sa EDSA Bus Lane ay nagbibigay ng mas mabilis na pag-ikot ng mga bus at nagdadala ng benepisyo sa maraming commuters.


Sa ilalim ng MMDA Regulation na inaprubahan ng Metro Manila Council, ang itinaas na multa para sa EDSA bus lane violators ng parehong pampubliko at pribadong sasakyan ay:


1st Offense – P5,000


2nd Offense – P10,000 plus one month suspension of driver’s license, and required to take a road safety seminar


3rd Offense – P20,000 plus one year suspension of driver’s license


4th Offense – P30,000 plus recommendation to Land Transportation Office for revocation of driver’s license



 
 

ni Gina Pleñago @News | September 28, 2023



Bukas na ang Motorcycle Riding Academy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa nais matutong magmotorsiklo.

Pinangunahan ni MMDA acting chairman Atty. Don Artes ang inagurasyon ng nasabing pasilidad kahapon.

Dinaluhan nina GSIS President Atty. Wick Veloso, Pasig City Mayor Vico Sotto, San Juan City Mayor Francis Zamora, Batangas Vice Governor Mark Leviste, at iba pang stakeholders ang inagurasyon.

Layon ng Motorcycle Riding Academy na bawasan ang mga motorcycle-related accident sa pamamagitan ng pagbibigay ng theoretical at practical courses sa pagmomotorsiklo.

Maaaring mag-enroll ang mga rider na baguhan o nagmamaneho na pero gustong malaman ang pangunahing kaalaman sa pagpapatakbo ng motorsiklo na nakatuon sa safety riding.


Ipinahayag naman sa isang mensahe ni Vice President at concurrent Department of Education Secretary Sara Duterte ang kanyang suporta sa MMDA Motorcycle Riding Academy.




 
 

ni Jeff Tumbado @News | September 13, 2023




Sinakyan ni Senator Christopher Bong Go ang isa sa mga motorsiklo na kanyang donasyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para gamitin sa libreng pagtuturo at pagsasanay sa mga nais matutong magmaneho na programa ng ahensya na tinatawag na “Riding Academy” at magsisimulang magbukas sa huling linggo ng Setyembre 2023. Kasama sa sumaksi sa turnover ceremony sina MMDA Chairman Atty. Don Artes at Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page