ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021
Nasagip ng Philippine Navy (PN) ang 19 katao sa lumubog na bangka sa Banguingui, Sulu noong Linggo nang gabi.
Ayon sa PN, habang papunta sa Ubian, Tawi-Tawi, nagkaroon ng engine failure ang ML Sea Glory dahil sa lakas ng alon sa karagatan sa pagitan ng Basilan at Sulu.
Saad ng PN, "The boat captain said while their vessel was cruising within the vicinity of the northeast off Bitinan Island, Banguingui, Sulu, seawater penetrated the hull of their vessel, which caused the engine to conk out.”
Samantala, kabilang sa 19 na na-rescue ay ang kapitan ng bangka at dinala sila sa 4th Marine Brigade headquarters sa Luuk, Sulu para sa atensiyong medikal.
Kinuha naman ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang lumubog na bangka.