ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 20, 2021
Walong Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19 Delta variant matapos sumailalim sa RT-PCR retesting, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, asymptomatic ang mga ito at sa naturang bilang, 4 ang mula sa Cagayan de Oro, isa sa Manila, 1 sa Misamis Oriental, at dalawa ang returning overseas Filipinos.
Saad pa ni Vergeire, “Lahat sila ay walang sintomas. Sila ay mino-monitor ngayon hanggang matapos nila ang 14-day quarantine.”
Sa ngayon ay 35 na ang naitatalang kaso ng Delta variant sa bansa kung saan 3 ang naiulat na nasawi habang ang iba pa ay nakarekober na.