top of page
Search

ni Lolet Abania | March 13, 2022



Nakamit na rin ng gobyerno ang layong kapayapaan sa Mindanao sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.


Ito ang naging tugon ni Pangulong Duterte sa interview ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Sabado, na ayon sa kanya maituturing na mapayapa na ang Mindanao na resulta ng pagsisikap ng gobyerno na maitatag ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ang deployment ng mga puwersa ng militar para mapanatili ang kapayapaan sa Jolo, Sulu.


“I think we have relatively a peaceful Mindanao, Pastor. The contentious issue in the yesterdays were the BARMM at napagbigyan naman natin si Murad, and dito sa Jolo, in-order-an ko ang Armed Forces to place one division, marami ‘yan. And so medyo nagkalma na,” pahayag ni Pangulong Duterte na aniya pa, wala nang mga insidente ng kidnappings at karahasan sa lugar sa ngayon.


Tinukoy ng Pangulo ang tungkol sa tinatawag na “good rapport” o mabuting ugnayan ng pamahalaan sa mga Moro leaders ng Mindanao. “And I think that just allow them in the governance of our country and give them enough elbowroom to, you know, just govern without interference of armed groups,” ani Pangulo.


“The Moro hatred dahang-dahang nawala sa kanila because gipagbigyan natin sila sa lahat at anong hiningi nila. As a matter of fact, my last -- pinakamarami sa administrasyon ko na maraming mga Moro,” sabi ni Pangulong Duterte, habang binanggit nito ang bago niyang itinalaga na si dating National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Saidamen Pangarungan bilang Commission on Elections (Comelec) chairman.


“So sinadya ko ‘yan para wala silang masabi that they are being left out. And for the long list of prosecutors and judges, marami akong in-appoint, lady Moro judges at ‘yung mga prosecutors,” sabi ng Pangulo.


“I think that we have achieved militarily the objectives of keeping the peace in Mindanao. God willing, if this will be the -- if the equilibrium nama-maintain, we are trouble-free. I hope -- I hope and I pray of course,” saad pa ng Punong Ehekutibo.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 18, 2022



Inilarawan ni Presidential candidate Ernesto Abella, na dating spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte, kung gaano kahirap ang pamumuhay ng ilang Pilipino sa Mindanao.


Ito ay inihayag ni Abella sa ginanap na Pandesal forum sa Kamuning Bakery Cafe nitong Huwebes, Feb. 17.


“Kung titignan mo yung mapa ng poverty index ng Pilipinas, yung nasa Manila green pa; yung nasa Luzon, green; yung Visayas, green. Pagdating mo sa Mindanao, pula,” aniya.


Inilarawan pa niya ang lebel ng kahirapan sa bahagi ng southern islands.


“Kung akala mo mahirap ka na dahil kumakain ka ng pagpag, hindi pa yan ang tunay na kahirapan. Ang tunay na mahihirap nandun sa Mindanao, grabe,” ani Abella.


Ang pagpag ay termino sa mga tira-tirang pagkain mula sa mga restaurant—kadalasan mula sa mga fast food joints— na kinuha mula sa basurahan, nilinis, at muling niluto.


Marami na ang gumagawa ng pagpag sa Metro Manila kung saan ibinebenta pa ito na kahalintulad sa mga karenderya.


“Because they are so neglected…there are really, really, really poor people in Mindanao. Unang-unang walang pagkain –that’s absolute poverty,” ayon pa kay Abella.


“So anong mangyayari? Ang mga bata stunted. Pag stunted ang mga bata, how can they–paano ang next generation natin? You know, stunted sila physically, intellectually, mentally–how can we have a brilliant next generation? So we need to be able to address this poverty,” dagdag pa niya.


Ayon sa presidential aspirant, kung siya ang mananalong pangulo, ang gagawin niya ay “addressing the most underserved sector of our society–agriculture,” aniya.


Gagawin niya umanong “mega industry” ang agrikultura ng bansa kung siya ang magiging Pangulo ng Pilipinas.


Si Abella, na mayroong eskuwelahan sa Davao City, ay nagsilbi bilang spokesperson ng Palasyo mula June 30, 2016 hanggang October 30, 2017.

 
 

ni Lolet Abania | January 12, 2022



Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Maria Belen Sunga Acosta bilang chairperson ng Mindanao Development Authority (MinDA) para sa anim na taong termino, ayon sa Malacañang ngayong Miyerkules.


Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ang appointment papers ni Acosta ay pinirmahan noong Enero 6 at siya ay magsisilbi sa kanyang post ng anim na taon.


"We wish Chairperson Acosta all the best in her new assignment, and are confident that she will continue the initiatives her predecessors pursued to accelerate the socioeconomic growth of Mindanao,” ani Nograles sa isang statement.


Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng MinDa na si Acosta ay magiging ikawalong MinDA chairperson at ikalawang Mindanaoan female leader na pamumunuan ang ahensiya.


Papalitan ni Acosta si Emmanuel “Manny” Piñol na nag-resign noong nakaraang taon para tumakbo sa Senate seat sa May elections.


“As MinDA chair, she will lead in coordinating, harmonizing, and integrating various socioeconomic development efforts for Mindanao with inter-regional, Mindanao-wide, and sub-regional impacts,” batay sa isang statement ng ahensiya.


“Secretary Acosta will also act as the Philippine Signing Minister leading the participation of Mindanao and Palawan as country’s EAGA focus areas in the Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sub-regional cooperation, given MinDA’s mandate as the permanent Philippine Coordinating Office for BIMP-EAGA under Republic Act 9996,” dagdag pa ng ahensiya.


Si Acosta ay dating councilor ng Davao City, ang bayan ni Pangulong Duterte.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page