top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 3, 2023




Inilarawan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Linggo, Disyembre 3, ang ginawang pagbomba sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City na isang malinaw na kaduwagan. Nagpaabot din sila ng panawagan sa pamahalaan para sa mabilisang pag-abot ng katarungan at pagkakasakdal ng mga may sala.


Nagpahayag si BARMM Chief Minister Ahod B. Ebrahim ng labis na kalungkutan at pagkabahala sa naganap na pagbomba sa MSU na nagresulta sa pagkamatay ng maraming buhay.


Nagpaabot din si Ebrahim ng pakikiramay sa mga pamilya at kaibigan ng mga nasawi at sinabing inaalala niya ang mga biktimang naapektuhan at sugatan sa nangyari.


Umabot sa 11 tao ang namatay at marami ang sugatan matapos ang naganap na karumal-dumal na pambobomba sa Dimaporo Gymnasium.


Mariin ding kinondena ni Ebrahim ang nangyaring masahol at duwag na gawain at hiniritan naman ng BARMM ang mga awtoridad para sa mas malalim na imbestigasyon upang agarang panagutin ang mga may sala.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 3, 2023




Patay ang hindi bababa sa apat na katao nang may naganap na pagsabog sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) sa Lungsod ng Marawi, ngayong Linggo.


Nangyari ang pagsabog habang isinasagawa ang misa sa gymnasium ng unibersidad.


Mahigit sa 40 katao ang dinala sa pampublikong ospital na Amai Pakpak Medical Center matapos ang mapaminsalang pagsabog. Anim sa kanila ang nasa loob ng operating room.


Naglabas na ng pahayag ang MSU ukol sa insidente.


“We unequivocally condemn in the strongest possible terms this senseless and horrific act and extend our heartfelt condolences to the victims and their families,” pahayag nila.


Kinondena rin ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. ang "pambobomba" at nanawagan sa mga otoridad na imbestigahan ang pangyayari.


“Here in my province, we uphold basic human rights, and that includes the right to religion. Terroristic attacks on educational institutions must also be condemned because these are places that promote the culture of peace and mold our youth to be the future shapers of this country,” aniya.


Sinabi ni Police BGen Allan Nobleza, direktor ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, na hindi pa natutukoy ng mga otoridad ang motibo o ang uri ng pampasabog na ginamit.


"Tinitingnan pa natin kung ito ba ay may koneksyon sa mga operations na inilunsad ng puwersa ng kasundaluhan at kapulisan sa BARMM," pahayag ni Nobleza.


 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 23, 2023





Nagdulot ng hindi bababa sa 120 na aftershocks hanggang Huwebes ang malakas na lindol sa Mindanao noong nakaraang linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Anim lamang sa mga aftershock ang naramdaman at naitala ang pinakamalakas sa 4.9 magnitude, ayon kay Phivolcs director Teresito Bacolcol.


"It would probably take several days to several weeks bago siya mag-dissipate. Pero habang tumatagal naman, kumakaunti yung number and humihina po yung magnitude [ng aftershocks]," paliwanag ni Bacolcol sa TeleRadyo Serbisyo.


Nagdulot naman ang lindol noong nakaraang Biyernes ng hindi bababa sa siyam na bilang ng mga patay at 17 na iba pa ang sugatan, ayon sa national disaster agency.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page