top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | February 11, 2021




Simula bukas, ika-12 ng Pebrero, ganap na 12:01 ng madaling-araw, babalik na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Passi City, Iloilo.


Ayon kay Stephen Palmares, alkalde ng lungsod, bumababa na ang kaso ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa kanilang lungsod. Preparado na rin ang lungsod sa pag-iisyu ng bagong Executive Order na nagsasaad sa mga protocol na dapat sundin sa ilalim ng MGCQ.


Luluwagan na rin ang curfew hours na noon ay alas-siyete nang gabi, ngayon ay magiging alas-nuwebe na. Bawal pa ring lumabas ang nasa edad walo pababa, mga senior citizens at mga may sakit.


Matatandaang sumailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang lungsod noong ika-28 ng Enero sa bilang na 254 aktibong kaso, 299 na gumaling, at tatlo ang namatay. Karamihan sa mga nagpositibo ay nagtatrabaho sa Passi City Market.


Ang transmission umano ay galing sa isang government employee na may tindahan din sa loob ng palengke.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 26, 2021




Binawi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na luwagan ang age restriction sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) at kailangang manatili pa rin umano ang mga batang edad 10-14 sa loob ng bahay dahil sa banta ng UK variant ng COVID-19 sa bansa.


Pahayag ni P-Duterte, “You just return to your homes for now… The older ones are hard to manage, but those 10, 11, 12 [years old] can glue their attention to the TV the whole day.


“I am sorry. Mine is just a precaution. I am afraid because the new strain strikes the young children.”


Aniya pa, “Just to be sure and in our desire to protect our people, I am constrained to reimpose the 10 to 14 [restriction]. Not at this time. It’s a sacrifice for the parents and children. It would limit their movements.”


Samantala, ayon sa Metro Manila Council, maging ang 17 mayors ay hindi rin pabor na payagan nang lumabas ang mga bata.


Saad pa ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, council chief, “Metro Manila is under GCQ so the task force allowed the local governments in Metro Manila to assess if they would allow the age [restrictions] to be relaxed.


“The consensus in one of our meetings was almost everyone was against relaxing the age bracket. But despite that, we also sought the recommendation, comment, advice of medical experts, pediatric consultants.


“What [the medical experts] said was it’s not advisable to lower the age bracket.


“According to [the health experts], kids are superspreaders. When they catch the virus, they’re asymptomatic and appear healthy, but can easily and surely infect the elderly.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 25, 2021




Maaari nang lumabas ang mga edad 10 hangggang 65 sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) simula sa February 1 ngunit kailangang kasama ng mga bata ang kanilang magulang, ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) noong Linggo.


Paglilinaw ni Cabinet Secretary and IATF Co-Chairperson Karlo Nograles, “Hindi naman basta-basta lalabas ‘yan kung hindi kasama ang magulang. Meron po tayong panibagong clarificatory resolution na ilalabas na ‘yung paglabas ng bata is dapat kasama ang magulang para ma-supervise.”


Aniya pa, “Sa ibang bansa po, hindi sila kasing restrictive po natin sa galawan ng mga kabataan. Sa ibang bansa po, hindi nila ikinukulong ang mga bata sa loob ng tahanan. As far as pag-survey naman sa iba’t ibang ginagawa ng bansa, tayo po ‘yung pinaka-restrictive.”


Nagdesisyon din ang IATF na luwagan na ang age restriction dahil “manageable” umano ang kaso ng COVID-19.


Aniya, “Nakita namin na after Christmas holidays, manageable naman ang cases natin per day, nagkadesisyon kami na babaan ang age restriction to 10.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page