ni Lolet Abania | May 14, 2021
Muling ibabalik ang ipinatutupad na truck ban sa mga pangunahing lansangan sa National Capital Region (NCR) simula sa Lunes, May 17, batay sa anunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon sa MMDA, ang mga trak ay bawal dumaan sa mga pangunahing lansangan mula alas-6:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi, tuwing Lunes hanggang Sabado.
Kaugnay nito, isang total truck ban naman ang ipatutupad sa kahabaan ng EDSA, magmula Magallanes Interchange sa Makati City hanggang North Avenue sa Quezon City.
Ito ay isasagawa ng 24 oras mula Lunes hanggang Linggo.
“[T]rucks carrying perishable and agricultural foodstuffs are exempted from the ban,” pahayag ng MMDA.
Ayon pa sa ahensiya, ito ay bilang pagsunod sa ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) sa NCR at karatig probinsiya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna.
Ang GCQ "with heightened restrictions" ay magsisimula ng May 15 hanggang May 31.