top of page
Search

ni Lolet Abania | October 1, 2021



Inianunsiyo ng Malacañang kagabi, Setyembre 30, ang community quarantine classifications na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa bansa, kung saan ang ilan ay mula Oktubre 1 hanggang 15, habang ang iba ay buong buwan na ng Oktubre.


Hindi covered nito ang Metro Manila dahil sa nananatili pa rin sa Alert Level 4 ng hanggang Oktubre 15.


Narito ang classifications batay sa pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque:


Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) -- Oktubre 1-15

• Apayao

• Kalinga

• Batanes

• Bataan

• Bulacan

• Cavite

• Lucena City

• Rizal

• Laguna

• Naga City

• Iloilo Province General Community Quarantine (GCQ) with Heightened Restrictions -- Oktubre 1-31

• Abra

• Baguio City

• Ilocos Sur

• Pangasinan

• Cagayan

• Isabela

• City of Santiago

• Nueva Vizcaya

• Quirino

• Quezon

• Batangas

• Bacolod City

• Capiz

• Iloilo City

• Lapu-Lapu City

• Negros Oriental

• Bohol

• Zamboanga del Norte

• Zamboanga del Sur

• Cagayan de Oro City

• Misamis Oriental

• Davao del Norte

• Davao Occidental

• Butuan City

• Surigao del Sur


GCQ with Heightened Restrictions – Oktubre 1-15

• Davao de Oro GCQ – Oktubre 1-31

• Ilocos Norte

• Dagupan City

• Benguet

• Ifugao

• Tarlac

• Marinduque

• Occidental Mindoro

• Oriental Mindoro

• Puerto Princesa

• Albay

• Camarines Norte

• Aklan

• Antique

• Guimaras

• Negros Occidental

• Cebu City

• Cebu Province

• Mandaue City

• Siquijor

• Tacloban City

• Mindanao

• Zamboanga Sibugay

• Zamboanga City

• Misamis Occidental

• Iligan City

• Davao City

• Davao Oriental

• Davao del Sur

• General Santos City

• Sultan Kudarat

• Sarangani

• North Cotabato

• South Cotabato

• Agusan del Norte

• Agusan del Sur

• Dinagat Islands

• Surigao del Norte

• Cotabato City

• Lanao del Sur


Ang natitirang bahagi ng bansa ay isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 14, 2021



Halos anim na milyon na ang fully vaccinated sa Metro Manila habang nasa 8.4 million o 85.73 percent naman ang naka-first dose na, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.


“After one month, those who would have the second dose in our projections will be about 79 percent of the population of Metro Manila," ani Abalos.


Sa December 12 naman ang projection ng fully vaccinated sa NCR ay 88.5 percent.


Samantala, maging mga hindi taga-Metro Manila ay pinababakunahan din ng mga mayor, ayon kay Abalos.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 12, 2021



Pinilahan ang voter registration sa mga mall sa Metro Manila nitong Sabado.


Ito ay matapos buksan ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration sa mga lugar na naka-modified enhanced community quarantine, kagaya ng Metro Manila. Nitong Sabado rin sinimulan ang pagpaparehistro sa mga mall.


Makikita sa larawan ang mga magpaparehistro sa mga upuan, bilang pagsunod sa physical distancing protocols.


Ayon sa pamunuan ng Robinsons Malls, bukas ang 37 nilang malls sa buong bansa para sa voter registration ng Comelec.


Umabot na sa 5-milyon ang bagong registrants, lagpas sa inaasahang bilang na 4-milyon, ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez.


Sa kabuuan, nasa 62 milyon na ang mga rehistradong botante sa bansa para sa susunod na halalan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page