top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | September 29, 2023




Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang customers ng Maynilad simula September 28 hanggang October 1, 2023.


Batay sa abiso ng Maynilad, pansamantalang isasara ang planta nito sa Putatan, Muntinlupa City para sa maintenance work.


Dahil dito, mawawalan ng supply ng tubig ang ilang bahagi ng Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at Pasay.


Maaapektuhan din ng water interruption ang ilang bayan sa Cavite gaya ng Bacoor, Imus, Noveleta at Rosario.



 
 

ni Lolet Abania | February 1, 2022



Walang tinatawag na automatic lifting ng mga restriksyon, sa apat na local government units (LGUs) sa National Capital Region (NCR), hinggil sa mga hindi bakunadong indibidwal kahit pa ang Metro Manila ay ibinaba na sa Alert Level 2, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Sa isang press conference ngayong Martes, sinabi ni MMDA Chairperson Benhur Abalos na ang mga ordinances ng Parañaque, Pasay, Quezon City, at Pateros ay walang automatic lifting clause para sa kanilang restriksyon laban sa mga unvaccinated individuals.


“Four LGUs don’t have automatic lifting clause but three LGUs will be issuing a new executive order. These are Parañaque, Pasay, and Quezon City,” sabi ni Abalos.


“Only Pateros will be left as they will still discuss the issue tomorrow,” dagdag ng opisyal.

Una nang napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng 17 mayors sa rehiyon, na higpitan ang galaw ng mga unvaccinated individuals sa NCR sa ilalim ng Alert Level 3. Ang mga naturang LGUs ay nag-isyu rin ng kani-kanilang mga ordinansa hinggil dito.


Sa bagong executive order, pinanatili ng Pasay City government na ang mga hindi bakunadong indibidwal ay papayagan lamang lumabas para sa essential purposes kahit pa nasa ilalim na ng Alert Level 2.


Para kay Abalos, ang lokal na pamahalaan ng Pasay City ay may awtoridad na panatilihin ang restriksyon laban sa mga unvaccinated individuals.


Nauna nang isinailalim ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang NCR at pito pang lalawigan na ibalik ito sa Alert Level 2 mula Pebrero 1 hanggang 15.

 
 

ni Lolet Abania | December 29, 2021


Pinag-aaralan na ngayon ng Metro Manila ang pagpapatupad ng COVID-19 vaccine mandate sa nasabing rehiyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).


Sa isang radio interview ngayong Miyerkules, sinabi ni MMDA Chairperson Benhur Abalos na ang Metro Manila Council (MMC) na kinabibilangan ng 17 alkalde sa National Capital Region (NCR) ay inaprubahan ang isang resolusyon para bumuo ng isang technical working group upang manguna sa gagawing pag-aaral.


“Actually, approved na nga pala,” sabi ni Abalos. “Ang resolution is gagawa kami ng technical working group ng Metro Manila Council together with the IATF para tingnan ‘yung feasibility ng having ng vaccination mandate,” sabi pa niya.


Ipinaliwanag naman ni Abalos na ang vaccination mandate ay pagtatakda ng mga vaccination cards bilang requirement para sa pagpasok o pagbisita ng mga indibidwal sa ispesipikong lugar.


Aniya pa, pinag-aaralan din nila ang legalidad ng gagawing mandato.


Samantala, nitong Martes ayon sa OCTA Research group, ang daily positivity rate sa NCR ay tumaas ng mahigit sa 5%.


Ang positivity rate ay patungkol sa percentage ng mga tao na nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa testing.


Nagbabala naman si OCTA Research fellow Dr. Guido David sa publiko na ang pagsirit ng COVID-19 ay maaaring higit pa sa tinatawag na “a holiday uptick”.


“There is now concern that this is not just a holiday uptick. Please be advised that the situation is changing in the NCR and we must now be very mindful of minimum public health standards,” sabi ni David.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page