ni Jasmin Joy Evangelista | January 28, 2022
Ibinahagi ni Facebook CEO Mark Zuckerberg ang bagong update sa Messenger na mayroon nang notification na magpapakita kung kumuha ng screenshot ang isang user sa isang disappearing message.
“New update for end-to-end encrypted Messenger chats so you get a notification if someone screenshots a disappearing message”, ayon kay Zuckerberg.
Ang default Facebook messenger app ay hindi end-to-end encrypted, ibig sabihin, kailangan mo muna i-on ang feature na ito.
Kaya para sa mga normal na chat, posible pa ring mag-screenshot nang hindi nalalaman ng iyong kausap.