ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 19, 2024
Talaga lang, ha?
Itech ang naging rebelasyon ni Rica nang maging guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan lamang, 'noh!
Marami siyang rebelasyon kay Kuya Boy Abunda like… noong nasa T.G.I.S. (Thank God It’s Saturday) daw siya ay naging dyowa niya si Red Sternberg, pero short-lived lang daw ang kanilang naging romansa dahil binawi niya ang kanyang ‘oo’ sa actor sa loob lamang ng isang araw, na ikinagalit daw nito.
Pinakamatagal daw naman niyang naging karelasyon, ang actor na si Bernard Palanca at marami rin daw siyang natutunan sa pakikipagrelasyon sa actor dahil malalim ang kanilang pinagsamahan.
And take note, inamin rin ni Rica na nagkaroon daw sila noon ng relasyon ni Piolo Pascual with matching usapan na maging silent lang daw sila at muntik na raw siyang pakasalan noon ng aktor, kaya nga lang, hindi naman daw nangako si Papa P dahil wala namang label ang kanilang relasyon.
May ganern isyu talaga, ha, Rica Peralejo at Papa Piolo Pascual?
Napaisip tuloy kami kung ang fave naming si KC Concepcion ay muntik din kayang pakasalan ni Piolo bago sila naghiwalay?
Naku, alamin n'yo nga 'yan, mga Marites at mga tribu ni Mosang, para tsuk, pasok!
May mga bago na namang talents ang Borracho Films Productions ni Atty. Ferdinand Topacio na ipinakilala sa ilang miyembro ng press people kamakailan na pawang mga young, pretty and sexy girlash.
Potential stars nga sina Nica Balmes, Jesy Vidal, Zelene Dizon, Aviegale Castillo, Elle Fernandez, Stella Blanca at ang nag-iisang lalaki sa pitong bagong talents ng Borracho Films na si Sean Raval, anak ng action star na si Jeric Raval.
Ayon kay Atty. Ferdie, may tatlong films na silang naka-line-up this year. Una, 'yung One Dinner a Week, and then 'yung Spring in Prague, at 'yung The Life of A Senator na life story ni former Senator Gringo Honasan, 'coz ito ang unang ipinapreskon ng Borracho Film Productions bago ang mga newest talents ni Atty. Topacio last Monday, April 15, 2024.
Kunsabagay, sabi nga ng nakararami sa madlang Pinoy, napaka-colorful daw kasi ang personal at political life ni Sir Gringo Honasan lalo na nu'ng kasagsagan ng People Power Revolution kung saan pinangunahan nito ang pagpapatalsik kay ex-President Ferdinand Marcos sa Malacañang Palace in 1986.
Pero nagtago raw ito during the terms of former President Corazon Aquino at Gloria Macapagal-Arroyo.
Inaresto rin siya ng Constabulary matapos ang kudeta noong Agosto, 1987 sa isang bahay sa Valle Verde, Pasig. At siya ay nakulong sa isang barkong nakadaong sa Manila Bay ngunit nakatakas din sa kalaunan.
And the rest is now a history or pang-throwback memories na lang, na 'yun nga, gagawing pelikula ng Borracho Films ang kanyang life story na wala pa kaming balita kung sino ang gaganap.
Sana, siya na lang ‘coz in pernes and in person ay guwapo siya, may magandang pangangatawan at height.
Matikas pa ang arrived, sa true lang. Yo, what do you think, Atty. Ferdinand Topacio?
Think and THINK BIG, ha! Para boom, kaboom! (Insert smiley, ☺)
'Yun lang and I thank you.