top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 3, 2024


Showbiz Photo
File photo: Diego Loyzaga - Coleen Garcia / FB

SA mediacon ng Viva Films na Isang Gabi starring Diego Loyzaga at Coleen Garcia ay pansin namin na tipong may chemistry ang dalawang itey, sa true lang.

Ang nasabing pelikula ay isinulat ni Ricky Lee at sa direction naman ni Mac Alejandre.

Sa report ni katotong Jojo Gabinete ay nag-atubili raw si Coleen na tanggapin ang said film ng Viva for two reasons. Una, masyadong seksi ang proyekto. Pangalawa, kaibigan ng kanilang pamilya ang leading man niya sa pelikula na si Diego Loyzaga.

“At first, medyo nagdalawang-isip kami. Two reasons, one reason was because the material’s really very difficult.

“Originally, ‘yung script na ito was sexier, it was for Vivamax. Pero siyempre, marami silang binago and heavy drama kasi ‘yung pelikula,” ani Coleen.

“Nagdalawang-isip ako sa sarili ko kung kaya ko ba, kung mabibigyan ko ito ng justice.

“And then, another reason pa, si Diego ang kasama ko kasi para kaming magkapatid. Para ko s’yang little brother. ‘Kaya ko bang gawin ito?’

“It was a big factor pero nagawa naman namin nang maayos,” saad pa ni Coleen nang humarap sila ni Diego sa entertainment press nitong Miyerkules, Abril 24, 2024.

Well, wala raw inilihim si Coleen kay Billy Crawford tungkol sa mga mapangahas na eksena nila ni Diego sa Isang Gabi.

Nagpapasalamat siya sa pagkakaroon ng isang maunawaing asawa, na suportado ang kanyang acting career.

Dagdag ni Coleen, “Actually, ito ‘yung first script in a long time na hindi niya [Billy] nabasa. So, hindi niya alam kung ano ang magiging istorya sa mismong pelikula.

“But I do tell him about the scenes that I’m shooting kasi ayoko naman ng gulatan. Parang hindi naman tama ‘yun na biglang magugulat na lang s’ya na may mga ganoong eksena ako.”

Diin pa ng aktres, “So, without giving away the story to him, kasi gusto ko rin na makuha ‘yung organic reaction niya sa buong kuwento, sinabi ko sa kanya kung ano ‘yung mga klase ng scenes ‘yung isinu-shoot ko. Kung how far I went and everything.”

Well, Coleen Garcia at Billy Crawford, support lang dapat ang mag-asawa sa isa't isa, ‘ika nga, with matching background music titled One Night Only ni Jennifer Hudson.

Boom, ‘yun na!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 26, 2024




MARAMI ang napa-wow nang dumalo si Kim Chiu sa premiere night ng Viva film titled Elevator na pinagbibidahan nina Paulo Avelino at Kylie Verzosa nito lang April 23.


Tanong ng ilang tribu ni Mosang, kaya raw ba dumalo si Kim ay para i-support ang movie ni Paulo na nali-link sa kanya lately after ng hiwalayan nila ni Xian Lim or para sure na mabantayan nitey ang pagdikit-dikit ni Paulo kay Kylie?


Another tanong.... hindi raw kaya ito nagselos habang pinapanood ang super hot kissing scenes nina Pau at Kylie at bakit pasimpleng kinurut-kurot ni Kim ang hita ni Pau habang ipinapakita nga sa big screen ang lips-to-lips ng mga bida?


Well, no one knows kundi silang dalawa lamang, boom, ganern!


“'Pag si Paulo, binibigyan ng role, ginagawa niya nang sobra,” sey ni Kim nang tanungin kung ano ang expectation niya sa bagong movie ng kanyang rumored boyfriend.


Agree naman ang ilang invited press pipol kay Paulo nang sabihin niyang “feel-good” lang ang kuwento ng Elevator at inspiring din dahil ipinakita rin sa pelikula kung paano magsumikap at magtrabaho nang marangal ang ating mga OFWs.


‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 22, 2024



Kung si KC Concepcion ay hindi pa pinapalad na tumagal ang pakikipagrelasyon sa mga naging foreigner boyfriends niya, tipong mas masuwerte ang itinanghal na Ms. Noble Queen of 2019-singer-cum actress na si Patricia Javier sa piling ng kanyang napangasawang foreigner na si Doc Rob Walcher, isang chiropractic doctor. 


May isang dekada na silang nagsasama at biniyayaan ng dalawang anak na lalaki na tipong mga artistahin din na tulad ng kanilang mommy dearest.


Kamakailan lamang ay isinelebreyt nina Patricia at Doc Rob ang isang dekada nilang pagsasama at isang dekada na rin ng pagiging chiropractic doctor dito sa 'Pinas ni Doc Rob, na tipong marunong at nakakaintindi na ng salitang Tagalog.


And take note, may limang branches na rito sa 'Pinas ang clinic ni Doc Rob like in Quezon City (sa Tomas Morato), Makati (sa San Lorenzo Village), Alabang (sa Westgate Filinvest Muntinlupa), Cavite (Aguinaldo Highway, Bacoor) at sa Pampanga (Barangay Pulung Maragul, Angeles City).


Tinanong ni yours truly si Patricia kung how is it being married to a foreigner like Doc Rob at ang nakangiti niyang sagot ay… "Alam n'yo po, being married to a foreigner gaya ni Doc Rob ay para po tayong nasa roller (coaster), paganu'n-ganu'n (sabay muwestra), hahaha! Well, I think hindi naman po sa lahi ang mapapangasawa natin kasi wala naman pong perfect na dapat iisyu.


"Pero po with Doc Rob, dahil nga foreigner siya, the way kami magmahalan, we give and take. Aahhh, 'yung asawa ko po, very understanding 'coz nakakalabas po ako ng bahay, umuuwi ako ng bahay na... hindi ko iniisip na magagalit 'yung asawa ko dahil lumabas ako, ginabi o inuumaga ako sa labas and then pag-uwi ko sa bahay, sasabihin niya, 'Okay, if you had much fun, enjoy' at hindi nagtatanong na 'Sino'ng kasama mo at saan ka nagpunta?'


Walang ganu'n.


"We're living together as mag-asawa for 19 years na, 19 years of marriage. In general po talaga, si Doc Rob po ay napakamabait na tao. Ang hirap lang dito sa asawa ko, lahat, inaampon. Lahat ng makita niyang hayop sa lansangan, mga pusa, mga aso. Dati, isa lang ang pusa sa bahay namin, ngayon, lima na, hahaha! At magaling siyang mag-alaga, lahat, malalaki na ngayon at malulusog, hahaha!


"Gusto ko lang pong ikuwento na ang asawa ko, si Doc Rob ay mapagmahal na tao," pagtatapos na pahayag ni Patricia tungkol sa napangasawa niyang foreigner.


Well, wish lang namin ay makatagpo rin si KC Concepcion ng mapapangasawang foreigner na mapagmahal at maging sa mga hayop din na tulad ni Doc Rob Walcher, boom, ganern!


Sa nasabing isang dekadang celebration bilang mag-asawa nina Patricia at Doc Rob ay dumating rin ang kanilang dalawang friendships na sina Ara Mina at Malu Barry.


Speaking of Malu Barry, ang latest sa kanya ay cancer free na ito sa kanyang cervical cancer. 


Wow, praise God Lord Jesus Christ in her life!


"Hinarap ko kasi ang pagsubok. Hindi ako natakot sa chemo therapy na sabi ay nakakakalbo raw. 


"Awa ng Diyos, hindi naman. Eto, makapal pa rin ang buhok ko. Thank you kay Lord God Jesus Christ at pinagaling niya ako. Yes, God is good all the time," sabi niya kina Jobert Sucaldito at Direk Chaps Manansala sa OOTD Vblog ng dalawa sa You Tube channel.


And this coming May 15, 2024, muli siyang magko-concert sa Music Box powered by The Library para muling iparinig sa inyo ang kanyang singing performance as Fiery Soul Torch Queen Diva. 


And take note, for sure ay isa rin sa mga guest performers niya si Patricia Javier na ang turingan nila ay tipong magkapatid at kapamilya na, sa true lang.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page