ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | October 22, 2022
Yesss, Marites, Marisol at Mosang, naka-move on na nga si Carla Abellana sa hiwalayan blues nila ni Tom Rodriguez as husband and wife.
Sa latest interview ni Carla sa Kapuso Network ay natanong itey kung true ba ang tsismis na ready na uli siya to fall in love again.
"Oo naman. I am ready to fall in love... pero hindi sa tao bilang kapalit ni Tom. Puwedeng sa family ko, sa soap seryes, anything," ngiting-ngiting sagot niya.
How about 'yung kumakalat na balitang meron siyang rich suitor na isang pulitiko raw?
Itinanggi ito ni Carla, wala raw ganu'n.
Basta sa ngayon daw ay tutok siya sa ipinagagawa niyang sariling bahay, pati na rin she's into soap making business. At pagkatapos daw, isusunod niya ay ang paggawa naman ng scented candles.
But is she ready to fall in love again this time?
Ngayon daw ay one day at a time siya kung mag-isip ng mga bagay-bagay, as in she doesn’t plan things ahead.
“I let tomorrow worry about itself,” sagot niya.
Nag-beg-off din si Carla when asked to give a piece of her mind sa mga taong dumaraan sa mga pagsubok sa buhay.
Aniya, sa ngayon daw ay hindi pa niya maikokonsidera ang sarili bilang authority sa pagbibigay ng payo.
Sa bandang huli, Carla thanks GMA dahil sa mga career opportunities na dumarating sa kanya.
So there, Marites, Marisol at Mosang at inyong lahat na madlang pipol.
'Yun lang and I thank you.