ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | March 8, 2023
Tanong ng isa naming neybor na belong sa Tribung Marites na laging nag-aabang ng latest syobis tsika rito sa BULGAR, bakit daw lumipat si Liza Soberano sa pangangalaga ni James Reid at umalis sa poder ng dati niyang manager na si Panyerong Ogie Diaz, pati na rin sa Kapamilya Network?
Tapos, bakit daw pinalitan ang screen name nitong Liza to Hope?
Chika pa nito, 'di raw kaya napi-feel ni Liza na wrong move siya sa pagpili kay James as manager na bad influence sa kanya dahil ayan, negang-nega ang image niya ngayon sa madlang pipol?!
Ang naging sagot ng isa pa naming neybor na si Mosang na belong naman sa tribu ng mga tsismosa ay... "Eh, siguro, si James Reid, kaya iniwan ang ka-tandem niyang si Nadine Lustre at sinabi kay Liza na palitan na ang screen name nito as Hope, ay dahil HOPElessly in love with love and HOPElessly Hoping for HOPE siya?" sabay baling kay Marisol na belong sa tribu ng mga tagasulSOL with matching question that goes.... "What do you think, MariSOL? Think and THINK BIG, ha?!"
"Ay, eh... malamang, siguro 'yun na nga 'yun... na James Reid is HOPElessly Hoping for HOPE at maging nganga na lang si Enrique Gil, pati na rin ang kanilang LizQuen fanatics," sey ni Marisol na walang ginawa kundi magsulSOL, sa true lang!
Insert smiley, ☺!
Ang naging comment naman ni Madam Damin ay.... "Naku, kung hindi naman dahil kay Ogie Diaz at sa Kapamilya Network, hindi sumikat ang isang Liza Soberano at nakabili pa ng balaysung dito sa 'Pinas worth milyones daw."
Ganernnn?! Well.... well lang daw, oh!
Basta ang masasabi lang ni yours truly, ang isang artista, kahit na anong guwapo o kayganda ng fezlak at arrive... at kahit mahusay sa aktingan, balewala kung wala ang tulong ng mga syobis writers na gumagawa ng kanilang publicities kaya sila napag-uusapan at sumisikat.
'Niwey, hintayin na lang natin kung mapapasikat nga ni James Reid sa Hollywood ang isang dating Liza Soberano now Hope Soberano ang screen name kuno, okidoki?