top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 5, 2024


Showbiz News
Photo: Kiray Celis / IG

'Kaaliw ang komedyanang si Kiray Celis, kasi mismong siya na ang nagsabing “Ang haba ng hair ko!” dahil nga according to some showbiz Marites ay ang boyfriend nitong si Stephan Estopia ang very proud na nagsasabing atat na atat na siyang pakasalan si Kiray.


Treinta-anyos na kasi itong si Kiray kaya puwedeng-puwede nang mag-asawa kahit tipong mukha pa rin siyang bagets, in pernes.


Ang liit niya kasi, eh, pero hindi naman kasingliit ni Onanay, ha!


Pero nagbiro si Kiray na papayag lang daw siya sa isang kondisyon.


“Sabi ko talaga sa jowa ko, gusto ko, P1 million ang wedding ring ko! Pero joke lang ‘yun, ayoko pa,” pag-amin ng komedyana.


What’s holding her back ay dahil ngayon pa lang daw niya nae-enjoy ang perang kinikita niya. Pero aminado si Kiray na hati ang kanyang isip. May kinalaman daw iyon sa pananakot sa kanya ng isang doktor.


Kuwento niya, “Nalaman niya kasi 30 na ako last July 29, 2024. Dapat daw, magka-baby na ‘ko!”


Pero, naninindigan si Kiray na kasal daw muna bago baby. 


At 30, doesn’t she feel old?


Aniya, “Hindi, siguro dahil sa bahay, napapaligiran ako ng mga pamangkin kong bagets.”

Nasa stage raw ngayon si Kiray na mas watchful na siya sa kanyang food intake. Itinuturing niyang malala ang pagkain nang higit sa isang beses sa isang araw.


Solved na rin daw siya sa isang basong non-fat milk.


“Kaya 'pag nagugutom ako sa gabi, itinutulog ko na lang o kaya, sasabihin ko sa sarili ko, ‘Bored ka lang!'” aniya.


Tanong ng marami, bakit sa kabila ng kanyang strict diet, “malusog” ang kanyang puwet?

“Namana ko ‘to sa mommy ko!” pag-amin ni Kiray. 


Ganern, Kiray Celis? Lucky you, maumbok ang wetpu mo na type na type ng mga baklitas. Hahaha! 


 

Hindi lang sa mga sinehan nakatakdang magpakilig ang Un/Happy For You lead stars na sina Joshua Garcia at Julia Barretto dahil bibida rin sila ngayong Agosto sa cable channel na Cinema One.


Abangan ang kakaibang chemisty ng JoshLia (Joshua at Julia) tandem tuwing Sabado, 7 PM sa mga pinagbidahan nilang movies na talaga namang tumatak sa mga manonood. 


Balikan ang kanilang love triangle kasama si Ronnie Alonte sa Vince & Kath & James (Agosto 3). Panoorin ang pagharap nila sa deadly infection outbreak sa horror flick na Block Z (Agosto 10). 


Patuloy na magpapaibig ang dalawa sa Love You To The Stars and Back (Agosto 17), sa Unexpectedly Yours kasama sina Robin Padilla at Sharon Cuneta (Agosto 24), at sa I Love You, Hater kasama si Kris Aquino (Agosto 31).


Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa SKYcable ch. 56, Cignal ch. 45, GSat Direct TV ch. 14, at iba pang local cable service providers. 


Para sa karagdagang detalye, sundan ang Cinema One sa Facebook, X (Twitter), Instagram, TikTok, at YouTube.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 1, 2024


Showbiz News
Photo: Julia Montes / IG

Yehey, according to some showbiz Marites ay tipong aamin na sina Coco Martin at Julia Montes na meron na silang dalawang dyunakis. Ito ay matapos silang ibuking ni Willie Revillame sa Wil To Win show nito kamakailan lamang.


Hindi pa nga lang klaro kung aamin na sina Coco at Julia kung sila ba ay kasal na, as in secretly married, or not yet pa. Basta ang chika ng mga Marites at Mosang ay isang babae na edad 4 at isang lalaki na edad 2 ang anak nina Coco at Julia kahit hindi pa sila umaamin.


Sa kabila ng pagkakadulas ni Willie ay obyus na may epekto ito sa couple. Ilang araw na kasing ipine-flex ni Coco ang mga larawan nila ni Julia na kuha sa kanilang travel abroad. Nagpunta sila ng Qatar recently.


Ang tanging caption ni Coco ay red heart emoji pero naka-tag si Julia. Ikinakilig naman ng mga netizens ang mga social media posting ni Coco.


Anila, mukhang pinaghahandaan na raw nina Coco at Julia ang pagsasapubliko ng kanilang relasyon.


Mangyari kaya ang paunang pag-amin sa idaraos na event para sa promosyon ng teleseryeng Saving Grace kung saan bida si Julia Montes?


Well, let’s wait na lang, okidoki?


 

Nakilala na ang mga unang nahaharap na ma-evict sa Bahay ni Kuya matapos mapasama sa first batch of nominees sina Therese, Noimie at Dylan sa Pinoy Big Brother Gen 11 (PBB Gen 11).


Sa nagdaang episode nu'ng Linggo (Hulyo 28), dumaan sa unang nomination ang 15 housemates ni Kuya, kung saan nanguna sa mga nominado ang “Determined Daughter ng Camarines Sur” na si Therese Villamor na nakakuha ng 13 points. 


Nominado rin ang “Mombitious Chikadora ng Lithuania” na si Noime Steikunas, na may 12 points.


Samantala, napatawan naman ng automatic nomination ang “Astig VolleyBae ng Pampanga” na si Dylan Yturralde matapos magdesisyon ang housemates na mapasama siya sa listahan ng mga nominado bilang resulta sa nabigo nilang weekly task.


Sa unang linggo nila sa PBB house, humarap ang housemates sa samu’t saring pagsubok, kabilang ang pagbaha sa Bahay ni Kuya dahil sa hagupit ng Bagyong Carina at ulang Habagat. Agad din silang nag-alay ng awitin bilang inspirasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.


Pinuri naman ni Kuya ang kanilang katatagan at pakikipagtulungan, at inanunsiyong silang lahat na house guests ay magiging opisyal na housemates ng PBB Gen 11.


Sino kaya kina Therese, Noimie, at Dylan ang unang lalabas sa Bahay ni Kuya? 

Alamin sa unang eviction night ng Pinoy Big Brother Gen 11 sa Sabado (Agosto 3) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, A2Z, at TV5.



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 27, 2024


Showbiz News
Photo: Jen Donna Pergis Morera / FB

Nasaksihan ni yours truly kamakailan kung paano alagaan at alalayan ni John Rendez si Superstar Nora Aunor, lalo na nu’ng pumunta sila sa isang sulok ng madilim na backstage at naupo sa may gilid with no chairs at all.


Naganap ito sa katatapos lamang na PMPC 40th Star Awards for Movies sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo University sa Katipunan, Quezon City.


Nang tinawag na si Ate Guy para pumunta sa stage ay kinarga pa ni John ang Superstar paalis sa  gilid ng madilim na backstage at alalay to the max itey kay Ate Guy para marating ang stage na pinagdausan ng nasabing okasyon.


Sa stage naman ay nagkita, nagkatabi at nagkausap saglit ang mag-ex na Nora Aunor at Christopher de Leon na tumanggap din ng parangal that night bilang Dekada awardee.


'Kaaliw tingnan ang dating mag-asawa sa stage na magkatabi at nag-uusap na uli, na puwedeng hiramin ang title ng isang old movie na The Ex and Why’s, boom, ganern!


Kunsabagay, maliit lang ang mundo ng ating showbiz industry, kaya hindi maiiwasan na magkita ang mga ex-labs, 'ika nga.


At kung wala namang "ex" ay hindi kumpleto ang ating alphabet, boom, ‘yun na!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page