top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 26, 2024


Showbiz News
Photo: Circulations & Isko Moreno Domagoso / FB

Usap-usapan sa mundo ng showbiz, sa socmed (social media) at pati na sa grupo ng mga Marites na magiging mahigpit na magkalaban sina Imelda Papin at Isko Moreno this coming election.


Marami kasi ang nakakita sa opisina ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Imelda Papin na nandu’n ang mga barangay captain ng lungsod ng Maynila. Kaya naman, mabilis na umugong ang balita na tatakbo raw ang Jukebox Queen bilang mayor ng Maynila.


Ang sabi, kinukumbinse raw ng mga kapitan si PCSO Director Papin na tumakbo bilang pinuno sa nasabing lungsod sa darating na eleksiyon.


Lalo pang lumakas ang chikanes or hinala ng marami dahil sa visibility ni Imelda Papin sa iba’t ibang lugar sa Maynila para sa kanyang feeding program para sa mga Manileños plus nagkalat pa ang mga tarpaulin niya all over sa Kamaynilaan in connection with her feeding project.


Eh, kaso, may bali-balita rin na babalik si Isko Moreno upang tumakbo uling Manila mayor. So if ever, matinding labanan itey between Imelda Papin vs. Isko Moreno this coming election, devah naman, mga Marites?


Boom, ‘yun na! At kung sinuman ang manalo sa dalawa, well, as the saying goes… 'yun ang itinakda ng tadhana.


Good luck na lang sa inyong dalawa, Imelda Papin at Isko Moreno!


 

Hakot itey! BINI, 5 ANG NOMINASYON SA AWIT AWARDS


Showbiz News
Photo: BINI_ph / FB

Nasungkit ng recording artists ng ABS-CBN Music ang 31 nominasyon mula sa prestihiyosong 37th Awit Awards na nakatakdang maganap ngayong taon.  


Limang nominasyon ang natanggap ng BINI para sa awiting Pantropiko kabilang na ang Song of the Year, Record of the Year, Best Performance by a Group, Best Pop Recording, at Best Engineered Recording. 


Kinilala naman ang kanilang Karera single sa mga kategoryang Best Inspirational Recording at Best Music Video.


Kabilang din ang viral hit ni Maki na Saan? sa Song of the Year at Best Pop Recording nominees. Samantala, ang Manila In Bloom album ng Nameless Kids ay nominado para sa Album of the Year.


May apat namang nominasyon na nakuha si Maymay kasama ang Best Global Collaboration Recording at Best Remix Recording para sa Autodeadma kung saan tampok si Wooseok ng Pentagon at Best Regional Recording at Best Engineered Recording para sa kantang Tsada Mahigugma.


Tatlong baguhang Kapamilya singers naman ang maglalaban sa Best Performance by a New Solo Artist kasama pa ang iba pang nominado — sina JEL REY para sa Hele Pono, Misha de Leon para sa Damdamin, at Lyka Estrella para sa Hawak Mo.


Nominado rin ang It’s Showtime (IS) kids na sina Imogen, Kulot, at Lucas para sa Best Recording by a Child or for Children para sa kani-kanyang awitin: Mini Miss U ni Imogen, Clap, Clap, Clap ni Kulot, at Learn The 1,2,3 ni Lucas. 


Ang ABS-CBN Christmas ID theme song noong 2023 na Pasko ang Pinakamagandang Kuwento ay kasama naman sa mga nominado para sa Best Christmas Recording.


Ilan pa sa mga nakatanggap ng nominasyon mula sa ABS-CBN Music ay sina Jamie Rivera, Jed Madela, Francine Diaz, at KD Estrada para sa awiting Faith, Hope, and Love (Best Inspirational Recording) at Troy Laureta, Sheryn Regis, at Wendy Moten para sa Come In Out of the Rain (Best Global Collaboration Recording). 


Ang bersiyon ni Troy ng Kay Ganda ng Ating Musika ay nominado rin sa Best Musical Arrangement category kasama ang Dirty Linen theme song na inareglo nina Rommel at Idonnah Villarico. 


Kabilang din sa mga nominado ang Be Mine nina Akira at JL ng BGYO na inawit para sa Senior High (Best Original Soundtrack Recording). Pasok din sa Best Novelty Recording category ang Ms. Ukay ni Kim Chiu habang ang Bibitaw Na ni Darren ay nominado para sa Best Engineered Recording. 


Ilan pa sa nakatanggap ng nominasyon ang P-pop group na 1621BC para sa awiting Laruan (Best Performance by a Group) at si Yosha Honasan para sa Karakaraka (Best Jazz Recording).


Nakasama rin ang Autumn nina Ben&Ben at Belle Mariano sa mga maglalaban-laban para sa Best Remix category.  



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 23, 2024


Showbiz News
Photo: Circulations / FB

Ayon sa isang socmed post na nabasa namin just recently ay nakatakdang makipag-date si Pokwang kasama ang new-found friend niyang si Richard na nakilala niya sa segment na EXpecially For You ng noontime show na It’s Showtime (IS).


“Siyempre, I’m a fan of this segment. And of course, gusto ko naman ding maiba ‘yung ikot ng buhay,” sagot ng comedienne at actress na si Pokwang nang siya ay tanungin ni Vice Ganda kung bakit siya sumali sa segment na EXpecially for you.


Dumalo si Pokwang na tatlong taon nang single bilang searcher nitong Sabado, Agosto 17, katuwang ang kanyang panganay na anak na si Mae na tumulong sa kanya sa pagpili sa tatlong searchees.


Pagkatapos ay ibinahagi ng actress-comedienne ang dating relasyon sa kanyang estranged partner, ang American actor na si Lee O’Brian, na ama rin ng kanyang bunsong anak na si Malia.


Pinili ni Pokwang at ng mga hosts ng palabas na huwag siyang pangalanan sa kanilang pag-uusap, kaya tinawag na lang ng aktres si O’Brian bilang “Chururut Bumblebee”.


 

“First time in 15 years na Lunes ako magpe-perform. I will make sure that the bar that we will set gives you anxiety. Tataasan natin ‘yang bar na ‘yan,” sabi ni Vice Ganda sa kanyang mga co-hosts during an interview with TV Patrol tungkol sa gagawin nila sa Magpasikat ng It's Showtime.


Kim Chiu also promised a “bonggang” performance given that they have two months to prepare for it.


Darren Espanto shared his thoughts on participating in Magpasikat for the first time.

“I never would’ve imagined na magiging parte ako ng Magpasikat teams. Dati, nag-guest lang ako, then naging hurado. It’s something na I'm looking forward to. Kinakabahan but at the same time, very excited,” ani Darren.


Meanwhile, Showtime Online U also celebrated its eighth anniversary with its hosts performing during the opening of It’s Showtime (IS).


“Kasi ‘di lang naman tayo umeere sa telebisyon. Malaking bagay na merong nanonood sa ‘tin sa digital. You keep them entertained, you keep them cool. Kaya maraming-maraming salamat,” sey ni Vice.


“Thank you so much po sa mga nagtiwala sa ‘min. Alam namin ‘yung mga tiwalang ibinigay n’yo sa ‘min kaya papangatawanan namin ‘yan every single day na bibigyan kami ng schedule rito. Lahat ng mga kuwentuhan dito, sobrang special ‘yun for me,” share ni AC.


Panoorin ang It’s Showtime every 12:00 PM on A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel and Facebook (FB) page, iWantTFC, TFC, and GMA Pinoy TV. 


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 18, 2024


Showbiz News

Agree si yours truly sa opinyon ng ilang kasamahan namin sa panulat na hindi na si Kris Aquino ang nagmamay-ari ng showbiz title na Queen of All Media. 


Ayon sa ilang showbiz baklitas, nasalin na ang titulo kay Marian Rivera, dahil super in-demand daw ngayon ang misis ni Dingdong Dantes sa mga movie at TV projects, plus sunud-sunod daw ang mga ineendorso nitong produkto. 


Tapos, sunud-sunod pa rin daw ang mga recognitions at achievements na natatanggap nito sa kasalukuyan. Kaya raw, bidang-bida ngayon sa ating showbiz world ang beautiful na si Marian Rivera Dantes. 


Tinatawag nila ang Kapuso Primetime Queen bilang bagong “Queen of All Media”. Siya na raw ang nag-iisang tagapagmana ng trono na binakante ni Kris Aquino.


So, if this is true, shall we say... move a little over Kris Aquino and enter Marian Rivera? 

Boom, ‘yun na!


 

Nakapanayam ni Bernadette Sembrano sina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang mga bida ng Un/Happy For You (UFY), kung saan ibinahagi ng dalawa kung paano nila muling pinasigla ang kanilang onscreen connection bilang mag-ex sa totoong buhay sa Tao Po (TP) ngayong Agosto 18, 6:30 PM.


Sa eksklusibong panayam, sinabi nina Joshua at Julia kay Bernadette kung paano sila nagkabalikan bilang onscreen partners at nagbahagi rin sila kung paano ang naging proseso upang muling maibalik ang kanilang natatanging chemistry. 


Tampok din sa TP ang UP summa cum laude na si Ingrid Delgado, isang stroke survivor na nagawang malampasan ang kanyang pisikal at mental na mga hamon sa kalusugan. 


Ibinahagi ni Ingrid ang kanyang kuwento ng dedikasyon sa kapwa Iska na si Joyce Balancio.


Samantala, handog naman ni Kabayan Noli de Castro sa mga manonood ang kuwento ni Sarah Jane Silvestre, isang fire survivor. Ang sunog na dulot ng sumabog na tangke ng LPG ay nagresulta sa kalunus-lunos na pagkamatay ng kanyang bayaw at isang kapitbahay na tumulong sa kanila sa aksidente. Bilang tugon sa sitwasyon, nagpaabot ng tulong-pinansiyal si Kabayan Noli kay Sarah Jane at sa kanyang batang anak.


Panoorin ang mga kuwentong ito ngayong Linggo (Aug 18) sa TP ganap na 6:30 ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, ABS-CBN News YouTube (YT) Channel, at iWantTFC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page