- BULGAR
- 18 hours ago
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Apr. 16, 2025
Photo: Nikki Gil - IG
Nag-post sa social media ang singer na si Nikki Gil ng ilang photos kasama ang kanyang anak na si Maddie habang sila’y nasa hospital.
And the following ay ang pahayag ni Nikki… “Maddie was diagnosed with Kawasaki Disease — something we had never even heard of. And seeing our little girl in pain, hooked to IVs, enduring tests and meds, was the hardest thing we’ve ever gone through as parents.
“But even in the scariest moments, God showed up—in the peace He gave, the people He sent, and the healing He allowed. We give Him all the glory for carrying us through and for Maddie’s recovery.
“We’re finally home with our brave girl, and while recovery continues, our hearts are filled with gratitude. God is so, so, so good.”
Ang Kawasaki disease ay isang sakit na karaniwang tumatama sa mga bata, kung saan namamaga ang mga daluyan ng dugo sa katawan, lalo na sa puso. Nagdudulot ito ng lagnat, rashes, at pamumula ng mata, labi, at balat. Kung hindi agad magagamot, puwedeng magdulot ng problema sa puso.
Samantala, marami ang nagpadala ng prayers para gumaling agad ang kanyang anak because God Jesus Christ is so good all the time.
Amen!!!
‘NIWEY, dahil nalalapit na rin ang Mayo na buwan ng santacruzan ay ibabahagi namin sa inyo ang magaganap na santacruzan sa Binangonan Libid Rizal sa May 4, 2025.
Taong 2019 nang magsimula ang patimpalak ng Reyna at Konsorte ng Santacruzan, isang makulay at bagong ideya na nagmula sa tagapamahala ng Brgy. Libid Grand Santacruzan mula pa noong 1975 sa pamumuno ni Mr. Gomer Celestial.
Well, si Kapuso star Faith da Silva ang Reyna Elena na napakaganda.
Bakit nga ba Reyna at Konsorte ng Santacruzan ang naging titulo? Maaari
namang Mr. and Miss Libid o Ginoo at Binibining Libid? Ngunit natatangi ang sagala o santacruzan ng Brgy. Libid sa buong bayan ng Binangonan. ‘Ika nga nila, “Barangay Libid is the home of the Grand Santacruzan of Binangonan.” Kaya minabuting gamitin ang titulong Reyna at Konsorte ng Santacruzan upang ito ay mamukod-tangi sa mga patimpalak ng mga karatig-barangay.
Walang question and answer portion, bagkus ipapamalas lamang nila ang angking kagandahan at kaguwapuhan kasabay ng matatamis na ngiti sa kanilang paglilibot sa araw ng santacruzan. Irarampa nila ang mga naggagandahang Filipiniana gowns at barong na gawa ng mga kilalang local designers na pawang mga taga-Binangonan. At higit sa lahat, ipagmamalaki nila ang kanilang pangalan at pinagmulan.
Ngayong 2025 ang ika-50th anniversary ng Grand Santacruzan sa Libid bilang pagdiriwang at pagbibigay parangal sa Mahal na Krus.
Ang Meet the Press ay ginanap nu’ng Linggo (Abril 13) sa Cafe de Lawa Restaurant, Mahabang Parang, Binangonan, Rizal na pagmamay-ari ni Mr. Ivan Sta. Ana na isa rin sa major sponsors ng naturang pagdiriwang. Ipinresenta sa press ang 16 na pares ng mga Reyna at Konsorte ng Santacruzan. Punong-abala rin doon ang founder ng Pista ng Cruz Santacruzan na si Gomer Celestial at Direk Bobbit Patag.
Layunin ng selebrasyong ito ang maipakilala ang mayaman at makulay na kultura, tradisyon, at turismo ng Barangay Libid at bayan ng Binangonan, Rizal.