ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 28, 2021
Kasunod ng deklarasyon ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble, inanunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na sususpendihin ang lahat ng disconnection activities simula sa April 15.
Simula sa Marso 29 hanggang Abril 4, 2021 ay isasailalim sa mahigpit na quarantine measure ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.
Pahayag ni Meralco Chief Commercial Officer Ferdinand Geluz, “Cognizant of the plight of our customers amid these challenging times brought about by the pandemic and in support of the government’s effort to manage the transmission of Covid-19, we commit to put on hold all disconnection activities until April 15 2021.
“We hope this measure will contribute to easing the burden of our customers and provide enough relief and time for them to settle their bills.” Una nang inanunsiyo ng Meralco na tuloy pa rin ang kanilang operasyon at pagsasagawa ng meter reading alinsunod sa utos ng Energy Regulatory Commission.
Saad pa ni Geluz, “Meralco business operations, including meter reading activities, will continue despite stricter quarantine measures. “Rest assured there will be strict implementation of health protocols in order to safeguard the health and safety of both customers and our personnel. This will ensure that actual consumption for the month will be billed accordingly. “Meralco crew will also continue to be on standby 24/7 to respond to any emergencies and reports.”
Hinikayat din ng kumpanya ang mga customers na magpadala muna ng mensahe sa kanilang Facebook Messenger, Twitter o tumawag sa 16211 hotline bago magtungo sa mga Meralco Business Centers (BCs) para sa kanilang mga katanungan dahil sasailalim sa skeletal workforce ang kanilang mga empleyado bilang pagsunod sa guidelines ng IATF.
Samantala, simula sa April 1 hanggang 3 ay sarado ang mga BCs bilang paggunita sa Maundy Thursday hanggang Black Saturday.