ni Gina Pleñago | June 30, 2023
Posibleng bumaba ang singil sa kuryente ngayong Hulyo.
Ayon sa Meralco, ito'y dahil tapos na ang tag-init at humihina na ang konsumo sa kuryente.
Bumaba na rin umano ang presyo ng kuryente sa spot market kumpara noong mga nakaraang buwan.
"May posibilidad na bumaba ang generation charge dahil lang noong June, nagsimula na ang tag-ulan at pangalawa, bumaba na ang presyo ng coal sa market, na inaasahan naming magre-reflect na sa billing ng aming suppliers," ani Meralco regulatory affairs head Ronald Valles.