by Info @Bulgarific | May 29, 2024
Mas pinaigting pa ng Manila Electric Company (Meralco) ang maintenance at upgrading ng mga pasilidad nito sa lungsod ng Marikina para lalo pang mapabuti ang serbisyo ng kuryente sa lugar.
Kamakailan lamang ay pinalitan ng Meralco ang dalawang 10 kilovolt-amperes (kVA) transformer ng 50 kVA sa kahabaan ng Tangerine Street sa SSS Village, Concepcion II sa Marikina para lalo pang matiyak ang paghahatid ng ligtas, maaasahan, at tuluy-tuloy na serbisyo ng kuryente sa mga customer.
“Tuluy-tuloy lamang ang aming mga crew sa Meralco sa pagkukumpuni ng aming mga pasilidad para lalo pang mapabuti ang kalidad ng aming serbisyo ng kuryente,” ani Meralco First Vice President at Head ng Networks na si Froilan J. Savet.
Aktibong namumuhunan ang Meralco para sa pagpapalakas ng distribution system nito para matiyak maayos na serbisyo ng kuryente sa mga lugar na pinagsisilbihan nito.