ni BRT | March 30, 2023
Tumaas ang presyo ng manok sa mga merkado, dahil umano sa mahal na patuka.
Batay ito sa datos na farmgate price mula sa United Broiler Raisers Association.
Mula sa P93 noong Pebrero, nasa P112 na ang farmgate price nitong Marso na nakaapekto sa retail price sa palengke na nasa P150 hanggang P200 kada kilo.
Kung tatanungin ang Department of Agriculture, ito ay dahil sa taas-presyo ng patuka.
Ayon pa sa DA, kakaiba ang pagtaas ng presyo ng manok dahil karaniwang bumababa ito sa unang quarter ng taon lalo na pagkatapos ng holiday season.
Umaasa naman na mag-stabilize ang presyo nito pagkatapos ng Semana Santa lalo't stable ang supply nito sa bansa.