ni MC @Sports | February 15, 2024
Abanse na sa semifinals ang Cignal, HD, Iloilo at VNS Asereht mula sa kani-kanilang panalo sa pools ng Philippine National Volleyball Federation Champions League.
Nakatiyak na ang HD Spikers sa No. 1 seed sa Pool A na may hawak na 2-0 won-lost sa kanilang mga laro habang ang D’Navigators ay tumarak ng 3-0 sa Pool B kasunod na Griffins (2-1) matapos ang malaking panalo noong Martes ng gabi sa Rizal Memorial Coliseum.
Bumigwas si Joshua Umandal ng 19 points sa 15 hits, 3 blocks at ace nang tigpasin ng Cignal ang PGJC-Philippine Navy, 25-15, 25-21, 27-25 kasunod ng opening-day win laban sa College of Saint Benilde na pumasok sa kanilang huling duwelo kontra Savouge Spin Doctors.
Ang panalo ng HD Spikers ang nag-iwan sa Savouge Spin Doctors (1-1) na panalo, Saint Benilde (1-1) at sa winless Navy (0-2) na naghahabulan pa para sa huling semifinals ticket sa Pool A habang hinihintay pa ang final elimination playdate.
Iloilo and VNS Asereht bagged crucial victories to secure the two seats in Pool B of the PNVF men’s tournament. “We’re harnessing for the semifinals and as I said before, if we stay consistent, we'll sail all the way to the final,” ayon kay Iloilo coach Rizalito Delmoro matapos ang madaliang 25, 18, 25-22, 25-19 na panalo laban sa Army.
Bumanat si John San Andres ng 17 points mula sa 17 hits, si Kyle Villamor ay may 11 at may tig- 10 puntos sina Jayvee Sumagaysay at Abdurasad Nursiddik para sa D’Navigators na winalis din ang Air Force at VNS para sa perfect run na walang talo kahit isang set. Ang panalo ng VNS ang nagpatibag sa Army at Air Force anuman ang resulta ng kanilang huling laban para sa Pool B action sa unang event ngayong taon ng PNVF sa pamumuno ni president Ramon “Tats” Suzara.