ni MC / Gerard Arce @Sports | March 27, 2024
Nagselyo ng isang kasunduan si 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao sa Saudi Arabia patungkol sa hinaharap na laban – kung saan pangunahing nasa listahan si undefeated/retired Floyd Mayweather Jr. para sa inaabangang PacMay 2 na proyekto.
Magandang balita ang ibinulgar ni MP Promotions President at international matchmaker Sean Gibbons matapos ang pakikipagpulong ni Pacquiao kay Saudi Arabian Chairman Turki Alalshikh tungkol sa laban sa kanilang bansa para sa pagbabalik sa pro fight ng Filipino boxing legend para pagpilian ang laban kina Conor “The Destroyer” Benn, two-division UFC champion Conor “The Notorious” McGregor at Mayweather.
“After meeting with his excellency Turki Alalshikh, boxing legend Manny Pacquiao is back at his gym in the Philippines and looking in incredible fighting shape,” wika ni Gibbons sa panayam ng World Boxing News.
Samantala, walang iba kundi Team 2000. Nasungkit ng Team 2000 ang kampeonato sa kauna-unahang E. Rodriguez Jr High School Alumni 3x3 basketball tournament sa Barangay N.S. Amoranto covered court sa Malaya St. Quezon City.
Sa pangunguna ng magkapatid na Mark and Jeff Caguisa, pinabagsak ng T2000 ang Batch 98, 14-10, para sa kampeonato sa 2-day competition na itinaguyod ng ERJHS Alumni Sports Club, sa pangunguna ni Ed Andaya ng Batch 81, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ERJHS 72nd Foundation Day and Grand Alumni Homecoming noong Feb. 23-25.
Napili si Mark Caguisa bilang Most Valuable Player sa kompetisyon, na sinuportahan din ng ERJHS Alumni Association, sa ilalim nina President Jess Asistin at Vice-President Zeny Castor, at Barangay N.S. Amoranto Chairman Ato de Guzman. Sa pamumuno ni playing coach Jerome Nell.
Ang iba pang mga miyembro ng T2000 ay sina Kelvin Pantaleon at Chris Santiago. Iginawad ni incoming ERJHS alumni president Ramon "Monchie" Ferreros ng Batch 73 ang mga tropeo, katuwang sina Asistin at Andaya. Ang naturang kompetisyon ay sinuportahan din nina PBA Commissioner Willie Marcial at Deputy Commissioner Eric Castro.