ni MC @Sports | April 15, 2024
Nagbunga ang paghihintay ni Jeremy "The Juggernaut" Pacatiw. Bagamat walang laban sa nakaraang 16 na buwan, nakapagtalo ang Lions Nation MMA standout ng nakagugulat na first round submission win kontra kay "Little Whirlwind Wang Shuo sa ONE Fight Night 21:Eersel vs. Nicolas.
Impresibo ang naging laban na ito ni Pacatiw dahil napatunayan niyang mayroon siyang iisang salita at at talagang ipinakita ang kanyang kahandaan sa kabila ng
pagkakabakante sa laban. “Sinabi ko nga before the fight, I’m prepared in any aspect.
I think this is the time, the perfect time na binigay ni Lord for me,” aniya matapos na pasukuin ang kalabang Tsino sa bisa ng rear naked choke sa 2:07 minuto ng round one.
Magandang panalo ito para kay Pacatiw na balak umakyat sa bantamweight division sa ONE Athlete Rankings. Wala man siyang nabanggit sa susunod niyang mga plano, determinado siyang sumagupa laban sa mga top five sa ngayon. “Maybe I’ll start with the top five muna, and then if we’re able to get the win, then bababa sila,” aniya.
“Tingnan natin kung sino ang ibibigay ng ONE Championship, they have the decision kung sino ibibigay. I hope to be able to compete against the top five.”
Kabilang sa potensiyal niyang makakasagupa sina no. 3 "Pretty Boy" Kwon Won II, no. 4 Artem Belakh at no. 5. Enkh-Orgil Baatarkhuu. Sa ngayon, nais muna ni Pacatiw na ipagdiwang ang panalo dahil alam hindi lang ito isang simpleng panalo kundi ito ang simula ng kanyang upstart stable. “Yun ang maganda kasi we’re already setting the momentum of Lions Nation MMA which is good and hopefully, we’re praying na tuloy tuloy na,” aniya. “This is a victory for the team at nating lahat.”