ni MC - @Sports | December 11, 2022
Nalampasan nina Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga ang pressure nang magwagi sa sariling balwarte at ilaglag sa bisa ng 8-21, 21-12, 15-7 ang tambalan nina Ericka Habaguchi at Saki Maruyama ng Japan nang unang gapiin sa quarterfinals ang Canada at Czech Republic ng Volleyball World Beach Pro Tour Futures sa Subic Bay Sand Court nitong Biyernes.
“We just enjoyed the game,” saad ng 26-anyos na si Rondina, ang pinaka-tanyag na beach volleyballer ng bansa. “We did our job—like I focused more on defense and Jov [Gonzaga] on blocks.”
First time na nagtambal sina Rondina at Gonzaga sa isang major international competition at talunin pa ang matatangkad na sina Darby Dunn at Olivia Grace Furlan ng Canada, 21-19, 21-18 sa kanilang morning match sa main draw.
Nang magbalik matapos ang 2 oras sa tanghali giniba rin nila ang Czechs na sina Valerie Dvornikova at Anna Pospisilova, 21-14, 21-16 upang manatiling buhay ang kampanya ng bansa sa event na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation.
“We made adjustments and we approached our assignments one match at a time,” ayon sa dating University of Santo Tomas ace Rondina, ang back-to-back SEA Games bronze medalist kasama si Bernadeth Pons.
Nakaparehas ni Rondina si Gonzaga dahil nagpapagaling pa sa si Pons sa natamong shoulder injury pero naroon siya sa audience na nagtsi-cheer para sa limang Philippine teams sa event na suportado ng Philippine Sports Commission.
Pinasalamatan ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara si Brazilian beach volleyball coach Joao Luciano Kioday, na gumabay, isang linggo pa lamang sa national team pero nakitaan na ng improvement.
“They are fighting for every ball,” ani Luciano. “I think the short time they have training under me is that they understand what I want. It’s just only the beginning so we focused on a well-organized system of receiving and setting in 10 days. We just did the basic things.”