ni MC - @Sports | December 15, 2022
Ipinukol ni Lionel Messi ang huling shot sa World Cup matapos ang kanyang penalty kick at isang double mula kay Julian Alvarez para tulungan ang Argentina na walisin ang Croatia 3-0 noong Martes papasok sa final kung saan makakalaban nila ang France o Morocco.
Habang ang lahat ay nakatuon sa kapitan ng Argentina na si Messi at sa kanyang ikalimang bid upang masungkit ang isang pangunahing tropeo na hindi niya nakuha, ang 22-anyos na si Alvarez ang umagaw ng atensiyon matapos umiskor ng penalty bago binuksan ang kanyang sariling account sa pagtatapos ng isang kumikinang na 50- metro run.
Kumpiyansang sinipa ni Messi ang spot kick sa ika-34 na minuto, matapos ibagsak si Alvarez ni keeper Dominik Livakovic, upang maging all-time World Cup top scorer ng kanyang bansa na may 11 goal.
Nagdoble kayod si Alvarez upang mapalawig sa dalawa ang kalamangan nila kontra Croatia makalipas ang limang minuto. Naipasok ni Alvarez sa ika-69 ang pangalawang puntos pagkatapos ng isang nakabibighaning Messi drive sa byline at cut-back upang matiyak ang ikaanim na World Cup final appearance ng Argentina.
"It's crazy, we did it, we did it, we're going to play one more final, once again Argentina is in a World Cup final," saad niMessi, nang mag-celebrate sa harap ng South American supporters na bumiyahe pa papuntang Qatar.
"Seeing all these people, this family, throughout the World Cup, what we have experienced is something incredible. We are going for the last game, which is what we wanted," dagdag niya.
Sa Linggo haharapin nila ang alinman sa defending champion France o surprise package Morocco, ang unang Arabong bansa sa semi-final ng World Cup, na maglalaro sa isa’t isa kahapon.