top of page
Search

ni MC @Sports | January 23, 2023



Tinanggap ni US President Joe Biden ang Golden State Warriors sa White House noong Martes para ipagdiwang ang kanilang 2022 NBA Championship.


Minarkahan nito ang kanilang unang pagbisita sa White House mula noong manalo sa titulo noong 2015, dahil iniiwasan nilang gawin ito sa mga taon ng panunungkulan ni Donald Trump dahil sa isang mataas na profile na sagupaan sa dating pangulo.


Ang huling dalawang taon ay medyo mahirap. Nahirapan ka noong 2020, napalampas ang playoffs noong ’21, at iniisip ng mga kritiko kung nawala na ba ang koponang ito bilang isang koponan ng kampeonato,” sabi ni Biden sa kanyang mga pahayag sa East Room.


“Fellas, alam ko kung ano ang pakiramdam,” dagdag niya.


Bagama’t napanalunan ng Warriors ang titulo noong 2017 at 2018, nilaktawan nila ang pagbisita sa White House dahil sinabi ni Trump na hindi niya sila iimbitahan matapos siyang punahin ni Steph Curry, ang kanilang star player, sa ilang mga pahayag na ginawa niya tungkol sa mga Black athletes.


Samantala, isinagawa ng Philippine Taekwondo Association (PTA) ang taunang National General Assembly Meeting nitong Enero 8 na nilahukan ng PTA National Instructors, Regional Management Committee (RMC) Chairmen, Philippine National Police (PNP) Taekwondo at Armed Forces of the Philippines (AFP) Taekwondo.



Nakiisa rin sa GA na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum ang 500 PTA certified instructors. Sentro ng programa ang pagpapalakas sa PTA national and regional development programs, national competitions at major international competitions.


Kabilang dito ang SEA Games sa Cambodia, World Championships sa Baku Azerbaijan, Asian Games sa Hangzhou, China, Indoor Martial Arts Games (AIMAG) sa Bangkok, Thailand at ATF (ASEAN Taekwondo Federation) Taekwondo Championships na gaganapin sa Marso 11-12 sa Ayala Malls, Manila Bay, Paranaque City.

 
 

ni MC - @Sports | December 15, 2023



Sa papalapit na 2023 FIBA World Cup sa Pebrero, patuloy aniya si Jordan Clarkson sa kanyang paghahanda para sa pinakamalaking torneo ng basketball ngayong 2023.


Inaasahang makakasama si Clarkson sa Philippine men's national basketball team sa World Cup na idaraos sa bansa at sa Agosto sa Japan at Indonesia. "I haven't really talked much with anybody [from the Gilas program] but I know that's in the future plans. It is coming up this summer, I'm getting prepared for that," ani Clarkson sa media availability noong Biyernes. "I'm excited for that. We're starting to prepare to get everything down logistics wise, get over there, get ready and compete."


Noong nakaraang fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ng Agosto 2022, naglaro si Clarkson sa unang pagkakataon sa Gilas Pilipinas sa harap ng home crowd Filipino nang talunin ang Saudi Arabia, 84-46. Nagtala si Clarkson ng 23 points sa naturang laro.


Samantala, balik na ang beach volleyball sa NCAA Season 98. Idaraos ng NCAA Season 98 ang torneo mula Enero 17-21 sa sand courts ng Subic Bay Freeport Zone sa Zambales.


Nakatakdang dumepensa ng titulo ang women's defending champion San Beda University sa Martes kontra Arellano University. Samantala, bubuksan ng men's titleholder Emilio Aguinaldo College ang kampanya kontra Jose Rizal University.


Hindi naidaos ang sporting event mula noong Seasons 95 to 97 dahil sa lockdowns na hatid ng COVID-19 pandemic. Ang mga piling laro ay isasaere sa GTV at streamed sa social media platforms ng NCAA Philippines at GMA Sports PH.

 
 

ni MC @Sports | January 12, 2023




Sa rami ng nagrereklamong fans sa social media ay agad inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District ang tatlo umanong scalper o nagbebenta ng ticket na mas mahal pa ang presyo sa orihinal na tiket para sa PBA Finals Game 6 sa Cubao, Quezon City.


Bukod sa naglipana online ang mga scalper ay tumatambay din ang mga nagbebenta ng tiket sa bisinidad ng Araneta Coliseum kaya dumulog na mismo ang Philippine Basketball Association management sa QCPD upang ireklamo ang mga ito.


Naalarma aniya si PBA Commissioner Willie Marcial nang makita online na mas malaki ng limang beses ang presyo ng mga binebentang ticket ng mga scalper. Ibinebenta ng scalper sa presyong P500 hanggang P1,000 ang upper box seat na P230 lang ang halaga, habang ang patron C seat ticket na P650 ang presyo ay ibinibenta ng mga scalper sa halagang P2,800.


Galit na galit ang fans sa socmed dahil hindi na sila nakakabili ng tiket at sold out na kaagad. Isang entrapment operation ng QCPD ang ikinasa at nadakip bandang hapon ang tatlong scalper at narekober sa kanila ang 50 pirasong ticket para sa Game 6.


Mahaharap ang tatlo sa paglabag sa City Ordinance SP-2744 o Anti-Scalping na may katapat na multang P5,000.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page