ni MC @Sports | February 5, 2023
Nakadale agad ng gold medal si Micaela Jasmine Mojdeh sa pagbubukas ng Asia Pacific Activities Conference (APAC) Swimming Championships sa Seoul Foreign School sa Seoul, South Korea.
Muling pinatunayan ni Mojdeh ang pagiging water beast nang manguna sa girls’ 200m Individual Medley at rumehistro ito ng 2 minuto at 22.05 segundo. Inilampaso ng Brent International School ace swimmer sina Hong Kong International School tankes Annika Chu na nagtala ng malayong 2:24.03 para sa pilak at Angelina Ching Nga So na may 1:28.94 sapat para sa tanso.
“It's my first time competing in APAC and I am happy that I improved again my times. I am thankful to see familiar faces here. Even in this cold weather the APAC vibe is full of warmth,” saad ni Mojdeh.
Isa pang bronze medal ang nakuha ni Mojdeh sa girls’ 100m freestyle mula sa 1 minuto at 0.90 segundo sa torneong nilahukan ng iba’t ibang bansa kabilang na ang China, Canada at host South Korea, Bumida sa naturang event si Audrey Sandeen ng Hong Kong na may 59.84 segundo habang sumegunda ang katropang si Claire Robertson na naglagak ng 1:00.87.
Pinangunahan din ni Mojdeh ang Bren quartet sa pagkopo ng tanso sa girls’ 200m medley relay. Katuwang ni Mojdeh sina Kirsten Tan, Jira Hedeager at Natalia Javier sa pagtarak ng 2:25.63 para angkinin ang 3rd place. Nakaginto ang Seoul Foreign School sa hawak na 2:22.49 habang sumegunda ang United Nations International School of Hanoi ang pilak bunsod ng naisumiteng 2:23.03. “We have been looking foward to this since she started studying at Brent. It has been cancelled a lot of times during pandemic but we are thankful that she has now have the opporunity to swim here,” ani Swim League Philippines chairman Joan Mojdeh.