top of page
Search

ni MC @Sports News | Nov. 11, 2024



Photo: Pinagmalupitan nina D’Artagnan Potts at Jack Pearse ang kapwa Australian sa all-Australian title showdown para kunin ang kampeonato sa Asian Senior Beach Volleyball Championships sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa. (Gen Villota)


Binugbog nina D’Artagnan Potts at Jack Pearse ang kapwa Australian na sina Mark Nicolaidis at Izac Carracher, 21-19, 21-19, sa all-Australian title showdown para kunin ang kampeonato sa Asian Senior Beach Volleyball Championships kahapon sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa.


Ginulantang ng 21-anyos na si Potts at ng 22-anyos na si Pearse ang tambalan ng sumabak sa Paris Olympics na sina Nicolaidis at Carracher sa loob ng 40 minuto. “Our team connection was really good,” saad ni Pearse.


“They’re a really great team and to beat them shows the potential that we have as a team.” Aminado si Potts na dinaga sila ni Pearse sa five-day tournament sa hanay ng mga top Asian Volleyball Confederation at FIVB-rated teams na nilahukan ng 14 na bansa.


Unang ginapi nina Potts at Pearse sina Pinoy spikers Lerry John Francisco at Rancel Varga sa bisa ng straight sets sa preliminaries.


Sa event na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation at Asian Volleyball Confederation na kapwa pinamumunuan ni Ramon “Tats” Suzara tumapos sina Abbas Pourasgari at Alireza Aghajanighasab ng Iran, ang men’s Nuvali Open champion noong Abril, sa third place nang talunin sina Chinese Wu Jiaxin at Ha Likejiang, 21-15, 21-17.


Rumehistro sa third place ng women's division sina AVC Beach Tour Nuvali Open champions Jana Milutinovic at Stefanie Fejes ng Australia matapos ang 21-15, 21-19 pagdaig kina Japanese Asami Shiba at Saki Maruyama sa torneong suportado ng Nuvali, Ayala Land, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, City of Santa Rosa, One Sports Plus at Pilipinas Live.

 
 

ni MC @Sports News | Nov. 9, 2024



Photo: Sina Zeng Jinjin at Xue Chen ng China sa mainit na laban sa 2024 Asian Beach Volleyball Championships sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna. (Gen Villota)


Nagmartsa sa quarterfinals ang Olympian at continental champions ng China dahil sa lakas na ipinakita kontra Alas Pilipinas Women sa Asian Senior Beach Volleyball Championships sa Nuvali Sand Courts sa City of Santa Rosa.


Nakausad na sina Xia Xinyi at Xue Chen, kapwa Paris Olympians at winners ng Asian Seniors 2023 sa Pingtan sa round of eight kasabay ng pakay sa titulo. Pinahirapan din nina Xia at Wang Jingzhe sina Gen Eslapor at Kly Orillaneda, 21-13, 21-8 para sa playoffs.


Nanatiling matibay si Xue, ang Olympic bronze medalist at dating world champion at target din ang titulo nang gapiin ng tambalan nila Zeng Jinjin ang Alas Pilipinas’ teen tandem nina Khylem Progella at Sofiah Pagara, 21-14, 21-11.


Naunang lumamang ang Air Force pair nina Eslapor at Orillaneda sa 5-3, pero ang lakas at determinasyon nila ay hindi sapat para tapatan ang Chinese spikers. “We wanted a good start and we did, but we just lost steam because it’s not easy trying to match the game of these veterans,” ayon kay Orillaneda.


Kumpiyansa si Eslapor na mahahasa sila sa nakaharap na Chinese players sa torneo na itinaguyod din ng Nuvali, Ayala Land, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, City of Santa Rosa, One Sports Plus, Pilipinas Live, Asian Volleyball Confederation at ng Philippine National Volleyball Federation.


“We played with nothing to lose, everything to gain. The important thing was we did out best because we were given an opportunity to face players of their level,” saad ni Eslapor.


Brilyo ang naging laro ng 18-year-old na si Progella at ng19-year-old na si Pagara pero malakas ang kontrol ng Chinese six-footers sa 31-minuto na hampasan match sa torneo na itinaguyod ng Philippine National Volleyball Federation at ng Asian Volleyball Confederation ni Ramon “Tats” Suzara.

 
 

ni MC @Sports | August 25, 2024


Sports News
Photo: Chloe Isleta / IG

Nakumpleto ni Chloe Isleta ang halos perpektong kampanya sa isa pang mahusay na ratsada nang walisin ang huling dalawang kaganapan at tanghaling Most Outstanding Swimmer (MOS) awardee sa pagtatapos ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Trials 25-meter short course sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Manila.


Hataw ang 26-anyos na alumnus ng Arizona State University sa girls' 100 freestyle at 200 backstroke na nagtala ng 56.38 at 2:12.30, ayon sa pagkakasunod-sunod upang taasan ang kanyang gold medal haul sa pito sa apat na araw na torneo na sinusuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC). Nakipagkompetensiya sa ilalim ng kanyang sariling banner na Chloe Swim Club na nakabase sa Ilocos Sur, naungusan ni Isleta ang Fil-American bet na sina Miranda Renner (56.59) at Camille Buico ng Rising Atlantis (58.30) sa freestryle bago tinalo ang kapwa National mainstay at Southeast Asian Games (2023) record holder Xiandi Chua (2:13.00) at Mishka Sy (2:22.08). Maliban sa 200 Individual Medley kung saan nag-time siya ng 2:16.35 at natalo kay Chua (2:16.22), nangibabaw rin si Isleta sa 50 back (27.83),100 back (1:00.31), 50-free (25.65), 200 free (2). :04.17), at 100 Individual Medley (1:01.64) para sa kabuuang 231 puntos para manguna sa women's division.


“Wow, I’m so happy sa performance ko. Mas maraming oras ang ginugol ko sa pagsasanay noong mga nakaraang linggo at nagbunga ito. With still more than one month before the World Series, we can go back in training and prepared,” ani Isleta, kumukuha ng masteral sa Communication and Media sa Dela Salle-Taft.


Ang kaganapan ay ginamit bilang pagpili para sa mga miyembro ng Philippine Team na nakatakdang lumahok sa World Aquatics World Series (maikling kurso) sa Oktubre 18-20 (Serye 1) sa Shanghai, China; Serye 2 ng Okt. 24-26 sa Incheon, South Korea; at Series 3 Okt. 31- Nob. 2 sa Singapore

 
 
RECOMMENDED
bottom of page