ni MC @Sports | March 19, 2023
Napagkait man sa Team Philippines ang podium finish sa 10th at final stage ng 13th Biwase Cup noong Biyernes nagawa pa rin ng Filipinas riders na patalasin ang kanyang performance para sa kanilang kampanya sa Cambodia sa 32nd Southeast Asian Games sa May.
Lahat ng 5 miyembro ng national women’s team na sina Avegail Rombaon, Mhay Ann Linda, Marianne Dacumos, Mathilda Krog at Kate Yasmin Velasco ay tumagpas ng isang minuto na kabuntot ng stage winner na si Lam Thi Kim Ngan ng host country na naghari sa 120-km final stage sa 2 oras at 44 minutes.
Ang dalawang iba pang Filipinas - dating national riders na sina Maura de los Reyes at Jelsie Sabado na pumedal para sa Mixed Team ay nasa big group din sa stage noong Biyernes subalit dumanas ng ilang sunod na pagsemplang, maging si Velasco.
Pero si Velasco-ayon sa coaching staff na binubuo nina Alfie Catalan, Marita Lucas at Joey de los Reyes ay nakabawi matapos ang pagsemplang. Itinakda ang pagsusuri sa kanyang kalagayan kahapon pagkauwi ng Pilipinas.
Sa kabuuan, mabunga ang pagpedal ng Team Philippines sa karera na inorganisa ng Vietnam Cycling Federation (VCF) na binubuo nina Velasco, Krog, de los Reyes at maging ng international first-timer sa intermediate sprints.
Ang Team Philippines na isinabak sa karera ng PhilCycling bilang paghahanda para sa Cambodia SEA Games ay suportado ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at Tagaytay City.
Pumampito sa 18 teams sa team general classification na pinangunahan ng home squad Tuyen Biwase-BinhDurong
Ang Filipinas na nakatakdang pumedal sa ibang bansa bilang bahagi ng pagpapalakas sa women's program ng Philcycling ay nakitaan ng potensiyal nang tumersera sa Stage 1 at 2nd sa Stage 9.