ni MC @Sports | May 23, 2023
Nakagawa si Gabe Vincent ng 29 puntos para iangat ang host Miami Heat na makausad ng isang hakbang na kalamangan para sa kanilang ikalawang NBA Finals appearance kontra sa wala pa ring panalong Boston Celtics, 128-102.
Ibinuslo ni Vincent ang 11 sa 14 shot — kabilang ang 6 sa 9 mula sa 3-point range.
Umiskor sina Duncan Robinson at Caleb Martin ng 22 at 18 puntos mula sa bench.
Kumana si Jimmy Butler ng 16 puntos, 8 rebounds at anim na assist para sa eighth-seeded Miami, na tumikada ng 56.8 percent mula sa field (46 of 81) at 54.3 percent mula sa 3-point range (19 of 35).
Umangat ang Heat sa 6-0 sa kanilang tahanan sa playoffs bago ang Game 4 ng best-of-seven series noong Martes sa Miami.
Nagkarga naman si Bam Adebayo ng 13 puntos at nagdagdag ng 10 si Max Strus nang maagaw ng Heat ang kontrol sa laro sa pamamagitan ng pag-outscore sa second-seeded na Celtics sa 32-17 margin sa third quarter.
Si Jayson Tatum ang nanguna sa Boston sa kanyang 14 puntos at 10 rebounds at umiskor si Jaylen Brown ng 12 puntos. Bagama’t nagsanib, gumawa lamang ang dalawa ng 12 sa 35 shot mula sa floor at 1 sa 14 mula sa 3-point range.
Ngayo’y nanganganib nang masibak ang Celtics dahil wala pang koponan sa kasaysayan ng NBA ang nakabangon sa 3-0 deficit para manalo sa isang serye. Ibinaba ng Boston ang 22-point deficit sa 12 sa 61-49 matapos i-convert ni Marcus Smart ang three-point play para simulan ang third quarter.
Ngunit sumagot ang Miami ng 28-9 run upang kunin ang kontrol sa laro, tampok ang pares na 3-pointers ni Vincent. Nadala ng Heat ang 93-63 abante sa fourth quarter bago nagpasya ang dalawang koponan na ipahinga ang kanilang mga star player.