ni MC - @Sports | June 29, 2023
Mainit na ipinamalas ni EJ Obiena ang kanyang momentum para sa Olympic qualifiers at lalo pa siyang humuhusay makaraang magwagi ng bronze medal sa kompetisyon sa Czech Republic.
Nagtapos ang Olympian sa pagtalon na taas na 5.90m sa Ostrava Golden Spike kahapon kabuntot nina Armand Duplantis at Australian Kurtis Marschall sa nakaraang torneo bago pa ang Bauhaus-Galan meet ng Diamond League na isang Olympic qualifier. “5.90m and bronze here in Golden Spike Ostrava.Thank you for everyone who went out and watch us jump some bars. Still lots of figuring out to do,” saad ni Obiena sa kanyang social media accounts. “Next stop, Bauhaus-Galan.”
Sa Diamond League, kinakailangan ni Obiena na matalon ang taas na 5.82 meters para magkuwalipika sa 2024 Paris Games. Ito ay upang siya ang maging unang Pinoy na sasagupa sa Olympics sa susunod na taong 2024.
Nakalundag si Sweden’s Duplantis ng gold sa taas na 6.12m jump, habang ang Australian na si Marschall ay kapareho rin ng talon na ginawa ni Obiena, pero sa isang attempt lamang ito.
Ang Olympian, na nagwagi rin ng bronze sa Oslo Bislett Games sa Norway ay nakatakdang sumagupa sa World Athletics sa Agosto at sa Asian Games sa September at handang lumagare sa susunod na kompetisyon.