ni MC / Clyde Mariano @Sports | July 24, 2023
Kahit anong panahon, tag-ulan o tag-init man ay hindi napigilan ang second running Rain or Shine E-Painters at pininturahan ang Blackwater Bossing, 131-108 para sa 7 panalo sa siyam na laro sa malapit nang magtapos na dalawang buwan na tune up games sa PBA Preseason on Tour sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City kagabi.
Ito ang pangalawang blowout na panalo ng RoS at dinuplika ang 117-88 panalo sa NLEX Road Warriors. Kinontrol ng ROS ang laro mula simula at kunin ang pangatlong sunod na panalo matapos yumuko sa Beermen at ipalasap sa Bossing ang pang-apat na kabiguan sa 10 laro.
“We wish the ‘Filipinas’ women’s team the best of luck as they make history in their FIFA World Cup debut!”
Ito ang mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Philippine national women’s football team na gagawa ng historic debut sa FIFA World Cup.
Samantala, sinimulan na ng Filipinas ang kanilang kampanya sa Group A sa FIFA Women’s World Cup sa pakikipagtipan sa Switzerland bagamat nabigo noong Biyernes sa Forsyth Barr Stadium sa Dunedin.
Kasalukuyang ranked No. 46 sa FIFA women’s world rankings ang tropa ni Australian coach Alen Stajcic ay hahapin pa na kasunod ang mataas pa sa kanila na ika-20 puwesto at titiisin din ang malamig na panahon na may average na 7-degree Celsius (44.6-degree Fahrenheit) sa mga nakalipas na araw.
Baon ang international seasoning at experience kung saan nagsanay sila sa US, Europe, Asia at South America, ang Filipinas ay tiwala pa rin sa sandaling sumalang kontra New Zealand larong suportado ng Philippine Sports Commission.
Ang mga Pinay ay nanalo sa lima sa kanilang huling mga laro, habang ang kanilang huling talo ay ang 1-5 setback sa Sweden sa isang closed-door unofficial friendly dito noong Lunes at sa Swisso.