ni MC / VA / GA @Sports | October 03, 2023
Matapos ang kanyang nakapanlulumong performance sa vault na naging sanhi ng kabiguan niya sa individual all-around, nakabawi ang Filipino gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa kanyang paboritong event na floor exercise at nakamit ang target na 2024 Paris Olympics berth noong Linggo ng gabi (Manila time) sa 2023 Artistic Gymnastics World Championships sa Antwerp, Belgium.
Tumapos si Yulo na highest ranked gymnast sa floor exercise mula sa inabot nitong disaster sa unang araw ng qualifying.
Pumangatlo si Yulo sa men's floor exercise sa naitala nitong 14.600 points kasunod ng mga nangunang sina Artem Dolgopyat ng Israel (15.100) at Frederick Richard ng US (14.600).
Ngunit dahil qualified na sa Paris Games sina Dolgopyat at Richard hindi pa man naidaraos ang World Championships ay umangat si Yulo.
Dahil dito, nakabawi na rin si Yulo sa kanyang 'di malilimutang pagtatapos sa vault na nagresulta ng kanyang pagka-zero sa vault.
Si Yulo ang ikalawang Filipino athlete kasunod ni EJ Obiena na nakasisiguro na ng slot sa Paris Olympics.
Samantala, inspirado ngayon si Carlo Paalam kontra astiging kasagupa na si regining world champion Carlo Khalokov Abdumalik ng Uzbekistan ngayong Martes sa quarterfinal round. Aakyat si Paalam sa ring kontra 23-ayos na Uzbek ng 7:30 p.m. sa Hangzhou gymnasium. Kailangang dispatsahin ng Tokyo silver medal winner si Uulu Munarbek Siitbek ng Kyrgystan sa Round-of-16 sa iskor na 4-1 upang maabot ang q'finals. Si Seiitbek, 27, ay bronze medalist sa nakaraang World C'ship sa Tashkent, Uzbekistan.
Si Paalam ay sasabak na sa gold medalist para makasama si Marcial sa semis. “Halos lahat sila sa division namin magaling,” pag-amin ng 25-anyos na Pinoy hinggil sa stacked roster sa men's 58 kg class na unang beses siyang lalaban.