ni MC @Sports | February 13, 2024
Sinimulan ng Cignal HD Spikers ang kanilang kampanya noong Linggo nang talunin ang College of Saint Benilde sa Philippine National Volleyball Federation Champions League sa Rizal Memorial Coliseum isang araw bago ang kanilang women's franchise team ay nagmintis sa titulo.
“It’s our first game of the year and everybody contributed well not just the first six but the entire team,” ayon kay Cignal HD coach Dexter Clamor nang magwagi ang mga bataan niya sa 25-19, 25-21, 25-20 kontra Blazers, ang tanging collegiate squad sa eight-team men’s tournament na inorganisa ng PNVF sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.
“They are all eager to win,” dagdag ni Clamor, dating University of Perpetual Help Altas, kung saan ang team ay may dalawang misyon sa kompetisyon—mabawi ang korona na naagaw ng University of Santo Tomas sa torneo ng Champions Cup noong Nobyembre at bawian ang women’s squad’s final na pagkatalo kontra Petro Gazz noong Sabado.
Kinakailangan ng HD Spikers ng 88 minuto upang madispatsa ang Blazers at gawing masigla ang opening-day highlight ng torneo.
Nakagawa si National team spiker Joshua Umandal ng 15 points at three blocks para sa former champions, habang si skipper JP Bugaoan ay may 10 puntos at kapwa national team player Lloyd Josafat at Wendell Miguel ay dumagdag ng 6 at 5 puntos.
Hindi pa naglalaro sa Cignal ang kanilang prized recruit na si national team ace Bryan Bagunas, habang sa Pool A game nagwagi ang Savouge Spin Doctors sa unang salang 25-21, 15-25, 25-22, 25-22 laban sa PGJC Philippine Navy.
Nagtulong sina Jhun Señoron, Sherwin Caritativo at Jeremy Pedrosa sa naambag na tig-16, 15 at 12 points, para sa Spin Doctors habang ang Iloilo ay may ambag mula kina John Andres ng 16 points at Kyle Villamor sa 10 puntos.