ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 9, 2021
Iimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino matapos makaengkuwentro ng kanyang grupo ang pulisya.
Naglabas na ng Department Order 57 si Justice Secretary Menardo Guevarra upang magsagawa si NBI Officer-in-Charge Eric Distor ng imbestigasyon sa insidente kung saan bukod sa alkalde ay nasawi rin ang ilan sa kanyang mga bodyguards.
Ayon sa ulat, naganap ang engkuwentro noong Lunes sa Laboyao Bridge sa Barangay Lonoy kung saan habang lulan ng van ang alkalde ay pinaulanan ang grupo nito ng bala.
Pahayag ni Guevarra, “That is the information we gathered, that police officers are involved in the encounter.
So there will be different version, so to be ensure an objective and impartial investigation, I will direct the NBI today to investigate the incident.”