ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 16, 2023
Nag-anunsiyo ang dalawang water concessionaires ng Metro Manila na Maynilad Water Services, Inc. at Manila Water Co. ng isang linggong maintenance na magsisimula ngayong Lunes, Oktubre 16.
Inaasahan na magiging kaunti o walang tubig sa mga bahagi ng Caloocan, Makati, Mandaluyong, Navotas, Quezon City, Rizal, at San Juan sa pagsapit ng gabi hanggang madaling-araw.
Ito ay dahil sa patuloy na network maintenance na isinasagawa ng Maynilad.
Ayon sa Manila Water, magpapatuloy sila sa pag-aayos ng kanilang mga pipelines at network improvement works at interconnection.
Narito ang listahan ng mga apektadong barangay at kanilang schedule:
Oct. 16 to 17
10:00 PM to 4:00 AM
Quezon City – Brgys. UP Campus, Krus Na Ligas, Tandang Sora,
Mandaluyong City – Brgy. Wack-Wack
10:30 PM to 4:00 AM
Caloocan City – Brgy. 162
11 PM to 4 AM
Caloocan City – Brgys. 154, 155, 162
Navotas – Northbay Boulevard (South), Bagumbayan North, Navotas East, Navotas West
11:00 PM to 5:00 AM
Taytay, Rizal – Brgy. San Isidro
Oct. 17 to 18
10:00 PM to 4:00 AM
Quezon City – Brgy. Tandang Sora, E. Rodriguez
San Juan City – Brgys. Balong Bato, Pedro Cruz, San Perfecto, Progreso, Rivera, Batis
Antipolo, Rizal – Brgy. Dalig (Dalaya Division)
10:30 PM to 4:00 AM
Caloocan City – Brgys. 6 to 68, 71, 72, 75 to 80, 86, 88, and 90
11:00 PM to 4:00 AM
Caloocan City – Brgys. 159, San Rafael
Navotas – Northbay Boulevard (North)
Oct. 18 to 19
10:00 PM to 4:00 AM
Quezon City – Brgys. Pinagkaisahan, Immaculate Concepcion, Pinyahan
San Juan City – Brgys. Ermitanyo, Pasadena
Oct. 19 to 20
10:00 PM to 4:00 AM
Makati – Brgys. Santa Cruz, La Paz, San Antonio, Pio Del Pilar, Singkamas, Tejeros, San Lorenzo, Bel-Air, Poblacion
11:00 PM to 4:00 AM
Caloocan City – Brgys. 5 to 14, 64 to 66, 69, 70, and 73 to 75
Oct. 20 to 21
11:00 PM to 4:00 AM
Caloocan City – Brgys. 28, 31, 156
11:00 PM to 4:00 AM
Navotas – Navotas West, Sipac-Almacen, Northbay Boulevard (South)
Hinimok ang mga residente na magsimulang mag-ipon ng kanilang suplay ng tubig sa buong linggo upang maibsan ang karagdagang abala. Sa pagbabalik ng serbisyo ng tubig, ang mga kostumer ay inabisuhan na dapat hayaan ang water flow nang ilang segundo hanggang sa maging malinaw ito.
Samantala, gagamit ang Maynilad ng mga water tanker para maghatid ng tubig sa mga apektadong tahanan.