top of page
Search
  • BULGAR
  • Oct 26, 2023

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 26, 2023




Takbuhan at sigawan ang bumungad sa Lewiston, Maine matapos mamaril ng isang lalaki na kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 22 katao nu'ng Miyerkules, Oktubre 25.


Nagsimula ang pamamaril alas-6:56 ng gabi, kung saan nakita ng mga saksi na tumatakbo palayo ang mga tao mula sa bowling alley.


Inilabas ng pulisya ng Lewiston ang kanilang 'person of interest' at kinilalang si Robert Card, 40-anyos.


Umabot naman sa 50 hanggang 60 ang nasugatan sa pamamaril at kasalukuyang tinutugis ang suspek.






 
 

ni Lolet Abania | May 25, 2022



Labing-siyam na bata at dalawang guro ang nasawi sa naganap na mass shooting sa isang elementary school sa Texas, USA nitong Martes.


Sa report ng Reuters, kinilala ng mga awtoridad ang suspek na si Salvador Ramos, 18-anyos, na una nang pinagbabaril ang kanyang lola na himalang nabuhay.


Mabilis na tumakas ang suspek sakay sa kanyang kotse, kung saan bumangga naman ito malapit sa Robb Elementary School sa Uvalde, Texas. Dito ay walang habas na pinagbabaril ng suspek ang mga batang estudyante at guro na ikinasawi ng mga biktima, habang napatay din si Ramos ng mga rumespondeng pulis.


Batay sa pulisya, hindi pa malinaw ang motibo ng suspek sa ginawang krimen. Sinabi ni Texas Department of Public Safety (DPS) Sergeant Erick Estrada sa CNN, nakita nila ang suspek na nakasuot ng body armor nang lumabas mula sa nabangga niyang sasakyan.


May bitbit itong baril na nagawang makapasok sa gusali, saka pinaputukan ang eskuwelahan na nagresulta ng pagkamatay ng mga biktima.


Natigil lamang ang pamamaril ng suspek nang tamaan ito ng pulis na kanya ring ikinamatay. Kaugnay nito, nanawagan na si US President Joe Biden sa kanyang mga kababayan na manindigan at labanan ang tinatawag na “politically powerful” US gun lobby.


Aniya, ito ang dahilan kung kaya hindi maipasa ang mas mahigpit na batas sa pagmamay-ari ng armas. Iniutos din ni Biden na ilagay sa half-staff araw-araw ang bandila ng Amerika hanggang sa Sabado bilang pagluluksa sa nangyaring trahedya.


“As a nation, we have to ask, ‘When in God’s name are we going to stand up to the gun lobby?’” pahayag ni Biden sa telebisyon, kasabay ng kanyang pagnanais na pag-reinstate ng US ban kaugnay sa assault-style weapons at iba pang “common sense gun laws.”


 
 

ni Lolet Abania | March 23, 2021




Patay ang 10 katao, kabilang ang isang police officer, matapos na pagbabarilin ng isang lalaki sa supermarket sa Boulder, Colorado, USA kahapon.


Naaresto naman ang suspek ng mga awtoridad matapos ang insidente habang naiulat na ito ang ikalawang mass shooting na nangyari sa US sa loob ng isang linggo.


Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pamamaril ng suspek bandang alas-3:00 ng hapon nu'ng Lunes sa isang King Soopers grocery store sa Boulder na matatagpuan sa north-central Colorado City sa silangang bahagi ng Rockies, 28 miles (45 km) hilagang kanluran ng Denver.


Gayundin, ayon sa mga awtoridad, wala silang alam na motibo ng suspek sa pamamaril. Agad na nagsilabasan ang mga namimili at mga empleyado ng supermarket, kung saan rumesponde ang mga law enforcement officers habang namatay ang isang pulis na unang dumating sa lugar.


Isang customer at residente ng Boulder na si Sarah Moonshadow, 42-anyos, kasama ang kanyang anak na si Nicholas, ang nagsabing sunud-sunod na putok ang narinig nila sa loob ng supermarket.


"We were at the checkout, and shots just started going off," ani Moonshadow sa Reuters. "And I said, 'Nicholas get down.' And Nicholas ducked. And we just started listening and there, just repetitive shots ... and I just said, 'Nicholas, run,'" sabi pa ng ginang.


Sinubukan pang tulungan ni Moonshadow ang isang biktimang duguan na nakahandusay na sa sahig subalit hinila na siya ng kanyang anak palabas ng supermarket habang sinabihan siyang tumakbo na silang mag-ina.


Matatandaang noong Martes, anim na araw pa lang ang nakakalipas, 8 katao ang namatay, kabilang ang 6 Asian women, dahil din sa gun violence sa isang spa na sakop ng Atlanta.


Naaresto at kinasuhan na ang 21-anyos na lalaking suspek na responsable sa pamamaril.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page