top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 7, 2021





Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kung saan nasabat ang tinatayang P15 milyong halaga ng marijuana at P20,400 halaga ng shabu kabilang ang mga baril at bala nito sa bayan ng Quezon, Isabela nitong Sabado nang gabi, Marso 6.


Ayon sa ulat, nakuha sa sasakyan nina alyas “Anwar” at “Elson” ang 125 bricks ng marijuana na mahigit 130 kilo ang bigat at ang 2 sachets ng shabu. Kumpiskado rin ang mga baril nila.


Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang kinakaharap nila ngayon.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 7, 2021





Umarangkada na ang vaccination rollout kontra COVID-19 sa mga ospital mula sa iba’t ibang probinsiya gamit ang bakunang Sinovac ngayong araw, Marso 7.


Batay sa ulat, tinatayang 750 doses ng Sinovac ang dumating sa Occidental Mindoro kung saan mahigit 114 healthcare workers na ang nabakunahan sa pangunguna ni Dr. Rylan Howell Superiano sa Occidental Mindoro Provincial Hospital.


Ayon pa kay Governor Eduardo Gadiano, mahigit P21 milyon ang inilaan nilang budget sa pambili ng bakuna.


Mula sa 318 na healthcare workers ng ospital ay 228 sa kanila ang pumapayag na magpabakuna gamit ang Sinovac.


Kaugnay nito, sinimulan na rin ang pagbabakuna sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City at si Medical Director Dr. Glenn Mathew Baggao ang unang binakunahan kung saan mahigit 1,500 na empleyado ng CVMC ang nagpalista para maturukan ng Sinovac.


Samantala, sa Sarangani Health Care Facility naman ay si Provincial Health Officer Dr. Arvin Alejandro ang unang nagpabakuna, habang patuloy din ang bakunahan sa Dr. Cornelio P. Martinez Sr. Hospital.


Tinatayang 336 doses ng Sinovac ang nakalaan para sa mga healthcare workers ng Sarangani Province.


Sinimulan na rin ang rollout sa Caraga Regional Hospital sa Surigao City kung saan ang medical specialist head ng Department of Medicine na si Dr. Angel Eugenio Batac ang unang binakunahan at sinundan ng medical specialist II na si Dr. Kenneth Ja-R Alberca.


Bukas ay inaasahang magsisimula na rin ang bakunahan sa San Jose District Hospital ng Occidental Mindoro, ilang ospital sa Oriental Mindoro at iba pang referral hospitals sa Cagayan Valley region.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 7, 2021





Isinagawa ang kauna-unahang vaccination rollout ng AstraZeneca COVID-19 vaccines sa labas ng Metro Manila kung saan si Vice-Chairman Dr. Edwin Mercado ang unang tinurukan sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa, Laguna kaninang umaga, Marso 7.


Batay sa ulat, ito rin ang unang ospital na nakatanggap ng AstraZeneca mula sa labas ng Metro Manila habang pangatlo naman sa mga referral hospitals.


Tinatayang 150 doses ng AstraZeneca at 300 doses ng Sinovac ang natanggap ng nasabing ospital mula sa Department of Health (DOH).


Kabilang sa mga dumalo sa vaccination program ay sina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at si Testing Czar Vince Dizon.


Ayon naman sa presidente ng ospital na si Paolo Borromeo, halos 378 na healthcare workers ng ospital ang pumapayag na magpabakuna kontra COVID-19 gamit ang kahit anong brand ng bakuna. Mamayang gabi ay inaasahan ang pagdating ng karagdang 38,400 doses ng AstraZeneca sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page