ni Mary Gutierrez Almirañez | March 8, 2021
Mahigit 240,700 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na ang ipinamahagi sa iba’t ibang ospital sa bansa, ayon sa pahayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ngayong umaga, Marso 8.
Aniya, “We have deployed these 240,700 AstraZeneca doses all over the country for health workers and medical frontliners. Malaking tulong ito sa ating rollout.”
Batay naman sa evaluation ng Philippine Food and Drug Administration (FDA), mayroong 70% na efficacy rate ang unang dose ng AstraZeneca at mas tataas pa iyon kapag naiturok na ang pangalawang dose makalipas ang apat hanggang 12 na linggo.
Sa ngayon ay tinatayang 525,600 doses ng AstraZeneca na ang narito at inaasahang aabot sa 4.5 million ang kabuuang doses na matatanggap ng bansa mula sa COVAX facility sa pagtatapos ng taon.