top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 9, 2021





Patay si Calbayog City, Samar Mayor Ronaldo Aquino matapos makaengkuwentro ng kampo niya ang pulisya sa Laboyao Bridge Bgy. Lonoy nitong Lunes nang hapon, Marso 8.


Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas, nagkaroon ng shootout sa pagitan ng alkalde at pulisya kung saan tatlo ang namatay.


Maliban kay Aquino, kabilang sa mga namatay ang escort nito at isa pang pulis.


Aniya, “Ang mga pulis natin who were passing by, based sa initial findings ng mga pulis natin, ay binaril ng mga escort ni mayor. Hindi nila alam na pulis ang nandoon sa loob, tapos ang mga pulis, gumanti na lang.”


Sa ngayon ay pinaiimbestigahan na ni Gen. Sinas ang insidente.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 9, 2021





Inihayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ilang hakbang ng pamahalaan kontra COVID-19 at ang paglago ng ekonomiya sa ginanap na Pandesal forum kaninang umaga, Marso 9, sa Kamuning Bakery sa pangunguna ni Secretary Karlo Nograles.


Aniya, libre ang bakuna at ginagawa ng gobyerno ang lahat ng paraan para mapadali ang pagdating ng mga ito upang masolusyunan ang lumalaganap na pandemya.


Kasabay nito, iginiit din niyang magtutuluy-tuloy na ang paglago ng ekonomiya sa mga susunod na buwan ngayong naumpisahan na ang pagbabakuna.


Samantala, aniya, sa ikatlong quarter pa ng taon posibleng mabakunahan ang mga kawani ng gobyerno, school workers, eligible students, social demography groups, indigenous people, PWD at OFWs sapagkat prayoridad pa rin hanggang sa Hunyo ang mga frontliners.


Kaugnay nito, hinihikayat din nila ang mga business owner na alagaan ang mga empleyado. Sa paraang ito anila, makakatulong ang mga negosyante sa ekonomiya.


Sa pagtatapos ng Marso ay sisimulan na rin ng pamahalaan ang usapin tungkol sa panibagong quarantine classifications para sa pagpasok ng Abril.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 8, 2021





Nagsimula na ng operasyon ang DITO Telecommunity Corporation bilang pangatlong telecommunication provider sa bansa ngayong araw, Marso 8.


Ayon kay Chief Administrative Officer Adel Tamano, labinglimang bayan pa lamang sa Metro Cebu at Metro Davao ang nasasakop ng kanilang serbisyo, habang sa Metro Manila naman ay ilang linggo pa umano ang kailangang hintayin bago sila makapagbigay-serbisyo.


Aniya, "The answer that we will tell you is we will be here in NCR in a few weeks. Medyo maghintay-hintay lang, Dito will be in NCR very soon."


Kaugnay nito, sinimulan na rin nila ang pagbebenta sa mga SIM cards na may prefixes digits na 0991, 0992, 0993, 0994, 0898, 089, 0896, at 0895.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page